Chapter 10 - Sino ang ama?

5 1 0
                                    

Previously on SMG...

Mahal ko si Jasmine, pero anak ko ang nasa sinapupunan ni Marnie. Sumakit nalang ang ulo ko kakaisip.

Hindi ko namalayan at nandito na pala kami sa mansyon. Ganun parin ang disenyo.

Pagkababa ko palang ng Van ay sumalubong na agad sakin si Grandma. Hindi maganda ang reaksyon nya...

---

*Inside the Mansion...

-MARNIE’S POV-

Nandito ako ngayon nakaupo sa couch at katabi si Jerome, hindi ko alam ang dapat na ikilos dito sa loob ng malaking bahay na ito.

“alam mo ba ang ginawa mo?” ang tanong ng lola mukhang mataray ito. Mahahalata mo na mayaman sya dahil sa kanyang tindig at mamahaling mga suot.

Napatungo nalang ako dahil mukhang sesermunan itong si Jerome, si Jerome din mismo ay hindi makatingin ng diretso sa lola.

Napatingin ako sa lola, napangiti naman ito.

“this is a good news” ang sabi pa nung lola. Nanlaki naman ang dalawa naming mata ni Jerome.

“you are not mad with us?” ang tanong pa nya.

bakit naman ako magagalit? May problema ba iho?” ang tanong ni lola.

“hah? So why? Bakit mo kami pinapunta dito?” ang tanong ni Jerome.

“actually iho, ikaw lang ang pinapapunta ko dito, I don’t know kung bakit nag sama ka ng babae dito, I thought kayo pa ni Jasmine” ang sabi ni lola. Nahiya naman ako bigla.

“so you don’t know?”ang tanong ulit ni Jerome.

bakit may dapat ba akong malaman?” ang tanong naman pabalik ng lola.

“ah. Ha-hah-ha... wala naman Lola..” sabay ngiti na parang bata. Natawa naman ako ng bahagyan sa inasta  ni Jerome. May pagka isip bata din pala ito.

iho kaya kita pinapunta dito kasi, nabalitaan ko na sinigawan mo na naman ang mga bagong empleyado... ikaw hah baguhin mo yan ugali na ganyan, baka maubusan na tayo ng empleyado nan.” Ang sabi ni lola.
Bigla naman sya ulit lumingon sa gawi ko.

ikaw naman iha, boyfriend mo ba itong si Jerome?” naubo naman ako ng bahagya. Ngumiti naman ako pabalik kay lola.

“ay hindi po lola...” ang matipid ko na sagot.

“so, wala na po ba kayong sasabihin? I have a meeting pa” ang masungit na sabi ni Jerome.

Bumalik na naman sya sa ugali nya.

“wag mo akong sungitan iho...” ang sabi ni lola...

Natapos na lang ang ilang minuto at pinaalis na naman kami ni lola. Habang nag lalakad ay kinausap ko naman si Jerome.

“ah eh.. Jerome... uuwi muna ako samin..” ang sabi ko naman sa kanya. Nakatingin lang sya sa kawalan.

She's my girlWhere stories live. Discover now