Previously on SMG...
"Ibagsak ang Sandoval Company! Ibagsak!" sigaw ng maraming tao na pawing mga farmer ang mga itsura.
---
"Your decision holds your fate, para din ito sa inyo, para wala naring gulo at wala nang madamay" ang mahinahong sabi ng lalaki.
---
Present time...
Hays sa wakas at nakauwi na din itong si Berto, susunduin na lang daw nya ako bukas ng umaga mga 7. Hays ang dami namang ganap. Nasabi ko na rin sa kanya na natanggal na ako sa trabaho, at bigla nalang syang nag sorry dahil humingi pa sya sakin ng pera nung araw na natanggal ako, at sinabi ko naman na okay lang kasi kailangan nya naman.
Anyway, nasa bahay parin ako at nag huhugas ng pinggan, habang nag iisip kung saan ba ako mag hahanap ng trabaho, san kaya ako pede mag simula? Siguro ma kapag tanong tanong na muna.
Nagulat nalang kami nila mama ng kumalabog ang pintuan. Dumating napala ang mga tiyuhin ko at si ate na parang galit nag alit sila.
Anong meron?
"o bakit parang pinagsakluban kayo ng langit at lupa dyan?" ang tanging natanong ni nanay.
"ba naman kasi nay nakakainis lang p*ta naman kasi yang Sandoval nayan kung bakit ba kasi padating dating payan sa lupa natin eh!" ang sabi ni tiyo Agustin.
"o mag palamig ka nga muna" sabi ni nanay sabay abo't ng tubig kay tiyo, katabi naman nya itong si Ate Susan.
Kahit na Malaki na ang tiyan nito ay matapang parin ito basta't inaagrabyado ang pamilya nya.
"salamat po nay" ang tanging nasabi ni Tiyo Agustin at saka uminom ng tubig.
Napalingon naman sa gawi ko si ate Susan.
"o Mareng! Kamusta ka naman?" ang sabi tawag sakin ni ate Susan, Maren gang tawag nya sakin kasi ayun yung palayaw ko.
"ateng naman wag mo nga akong tawagin na Mareng, ambanto't pakinggan!" ang inis ko na sabi, pero alam ko naman na nagbibiro lang itong si ate.
"o siya sige na, kamusta naman ang labalife ng kapatid kong ire?" ang tanong nya sakin. Napansin ko na nasa likod ko na pala siya.
"hay nako ateng wala namang ganap ano kaba" ang sabi ko naman habang nag huhugas parin ng pingganan.
"o iyan gamitin mo" sabay abot sakin ng kakaibang bagay. Ano ba ito? Agad ko naman iyon tinanggap at namula ako sa nakita ko.
"ano ba to ateng? Baka makita ni nanay to, ako pa pagalitan nun!" ang bulong ko na sabi kay ate Susan.
"ano kaba, na itext na sakin ni Yana ang ganap mo, ikaw ah may pa hotel pa hah ayieeh!" ang biro nya sakin.
"o ano naman ngayon kung may pahotel? Wala namang mangyayari ateng ano kaba" ang sabi ko naman dito pabalik.
"anong wala, tignan mo hah, babae ka" ang sabi nya.
"lalaki sya..." ang dugtong nya.
"so?" ang sabi ko na napakunot nalang ang noo.
"anong so so?? Edi hindi malabong may mangyayari, buti nay un nag iingat diba?" ang sabi ni ate Susan.
"ewan ko nalang sayo ate Susan, kung ano ano naiisip mo, bahala ka dyan" sabi ko sa kanya na natatawa nalang.

YOU ARE READING
She's my girl
RomanceDescription: This story ay tungkol kay Marnie isang babaeng sobrang bait at masipag, lahat gagawin nya para sa kanyang pamilya sa probinsya. Kaya naman ng pumasok sya sa isang malaking kumpanya ay siya na ang tumutustos sa pamilya, habang ang mga it...