Previously on SMG...
"Berto!" ang magalak ko na tawag at sasalubungin bali sya pero, umiwas sya.
"bakit anong problema?" ang tanong ko.
"anong problema?! Ako pa talaga ang tinanong mo?! Ikaw anong problema mo?!" ang sigaw nya sakin, napa urong ako sa sinabi nya. Napansin ko ulit ang suot ko. Naka buhad at kumot lamang ang nagtatago ng katawan ko.
"Berto, let me explain..." hindi ko na natapos dahil pinigilan nya akong tapusin ang sasabihin ko...
---
*This time...
"Marnie alam mo hindi ka lang pala ahas! Cobra ka pa! ang sakit mong manuklaw!" ang sigaw sakin ni Berto. Bakit ganun hindi man lang nya ako pinakinggan ni hindi nya muna inalam kung bakit ba ganito ang kalagayan ko ngayon.
"Berto please! Makinig ka muna" sobra na akong umiiyak. Halos namumugto na ang dalawa kong mata dahil sa pinaghalong lungkot at luha na kararamdaman ko.
"pwede ba Marnie tama na! the evidence! Sobrang linaw naman diba? Kaya ka pala nawala kagabi! Yun pala naman nakikipag s3x ka sa kung sino man! Bakit mas masarap ba sya?! Hah?!" sigaw nya sakin at napaurong nalang ako dahil pa abante sya sakin.
Di ko alam pero nakaramdam ako ng takot. Parang nag iba ang Berto na kilala ko. Parang nawala bigla ang lahat ng pinagsamahan namin.
Ang lahat ng pag sisikap ko para lang makapag aral sya. Ayokong isumbat sa kanya iyon dahil ginusto ko rin. Pero itong nangyari sakin. Hindi ko ginusto...
"makinig ka please lang...(sobra na akong umiiyak) please... please..." at tuluyan na akong lumuhod at nag makaawa sa kanya, pero para syang sinaniban ni satanas at akmang hahampasin ako...
Nag antay ako ng ilang Segundo para masampal dahil baka deserve ko ito...
Pero pag mulat ng mata ko. Nagulat ako sa nakita ko na nakatayo sa gilid.
Ikaw?
Ang lalaki na nakasama ko kagabi. Hindi ko siya kilala pero, bakit ganito na lamang nya ako ipag tanggol.
"Bro, hindi sinasaktan ang mga babae" ang cold na sabi nya.
"Gago ka pala eh! Edi wag kang makialam!" ang matapang na sabi ni Berto.
"Kailangan ko makialam, kasi... ako ang lalaking kasama nya kagabi..." pag kasabi nya na iyon ay bigla nalang nag echo iyon sa tenga ko.
Akmang susuntukin ni Berto ang lalaki, pero naunahan sya nito at sa lakas ng suntok nung lalaki, ay bigla na lamang nahilo si Berto. Duguan agad ang mukha nito sa isang suntok lang. agad naman syang paika ika na naglakad palayo.
"Babalikan kita gago ka!! At ikaw Marnie!! Di pa tayo tapos!!" ang sigaw ni Berto. Umiyak nalang ulit ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Para akong pinapako sa pader dahil sa sakit na nararamdaman ko. Pero ang sakit na ito ay hindi dahil sa naki pag break sakin si Berto. Dahil iyon sa kahihiyan na nararamdaman ko.
Inalalayan naman ako nung lalaki na makatayo. Agad naman nya akong binuhat, at hindi naman ako pumalag. Parang naka bride style ang pagbuhat nya sakin at dinala nya ulit ako sa room nya. Agad naman nya akong inabutan ng mga damit. Agad naman na akong nagpalit sa c.r at paglabas ko ay naka upo na sya sa couch at nanonood ng t.v
Nahihiya man ay pinuntahan ko siya doon at nahihiyang tinitignan sya. Masungit parin ang itsura nya pero hindi ko ipagkakaila na sobrang lakas ng sex appeal nya.
YOU ARE READING
She's my girl
RomantikDescription: This story ay tungkol kay Marnie isang babaeng sobrang bait at masipag, lahat gagawin nya para sa kanyang pamilya sa probinsya. Kaya naman ng pumasok sya sa isang malaking kumpanya ay siya na ang tumutustos sa pamilya, habang ang mga it...
