Previously on SMG...
Pagkapasok ko wala ding tao at saka ako pumasok sa isang cubicle. Pinili ko ang dulo na cubicle para safe.
Agad ko naman tinanggal ang mask at cap ko at jacket kasi sobrang init grabe! Halos pag pawisan ako sa ginagawa ko.
Agad ko naman hinalukay ang mga pinag bibili ko na libre na. Agad akong kumuha ng isang box at saka binasa ang instruction.
"hmm... pano ba to? Kapag isa ang guhit negative... tapos kapag dalawa yung guhit positive... okay..." ang sabi ko pa at saka huminga ng malalim.
Pagkatapos ko gawin ang pinapagawa sa instruction ay agad ko naman hinintay dahil limang minuto daw ang hihintayin bago lumitaw kung may dalawa ba ang guhit o isa lang.
---
*this time...
-THIRD PERSON'S POV-
Habang hinihintay ni Marnie ang resulta ng pregnancy test ay dumating na pala ang mga pulis, dahil tinagawan ito nung lalaki sa convenient store napag kamalan ata syang kasabwat ng mask gang.
Maraming pulis ang nasa labas at tinungo ang pintuan ng banyo. Unang ginawa ng pulis ay kinatok nya ang paunang pintuan.
Walang tao. Pag katapos ay ang pangalawa... wala rin. Pero ang nakaagaw ng pansin nila ang cubicle sa dulo na may naka sabit na jacket at may kasamang mask at cap.
Agad naman nagtawag ang leader ng pulis at pinalibutan nila ang pintuan.
Bigla bigla
Binuksan nila ang pintuan ng cubicle at saka nagulat si Marnie sa loob, nag taas pa ito ng kamay at sa kabilang kamay ay hawak nya ang isang pregnancy test.
Nagulat din ang mga pulis. Agad naman siyang pinalabas ng dahan dahan at nadulas sa kamay ni Marnie ang hawak nya. Agad naman kinuha iyon ng pulis at nagulat ng makita nya ito.
Nasa labas na din ang mga reporter. Dahan dahan ay lumabas ang mga pulis kasama si Marnie na inalalayan.
"Congratulation po misis" ang bati sa kanya ng mga pulis.
Napapangiti naman si Marnie pero parang nahiya din sya dahil pati ang reporter ay gusto syang interviewhin.
*Same time...
-JEROME'S POV-
"Guilbert!" ang sigaw ko. Agad naman nagmadali si Guilbert na dalhin ang mga papeles sa harapan ko.
"ito na po boss, sila po pala yung mga model na nag audition para sa mga bago nating products" ang pagpapaliwanag nya.
Binasa ko naman ang ibang information at maayos naman ang lahat.
Bigla naman ako nagulat ng makita ang pangalang MARNIE sa mga listahan...
bigla ulit bumalik ang lahat...
*Flashback...
"hmm.. ako pala si Marnie, hmm.. Marnie Gantuan po..." ang sabi nya sakin, hindi ko sya pinapansin dahil ayoko syang tignan sa mata... hindi ko din kasi alam ang dapat ko na ikilos... (See Chapter 6...)
*End of Flashback...
No hindi sya ito, iba ang surname... agad naman akong napatingin kay Guilbert.
"meron ba tayong mga empleyado na Marnie ang pangalan?" ang tanong ko. Di ko alam sa sarili ko pero bakit ko biglang natanong ito kay Guilbert.
YOU ARE READING
She's my girl
RomansDescription: This story ay tungkol kay Marnie isang babaeng sobrang bait at masipag, lahat gagawin nya para sa kanyang pamilya sa probinsya. Kaya naman ng pumasok sya sa isang malaking kumpanya ay siya na ang tumutustos sa pamilya, habang ang mga it...
