Chapter 2 - Manila Days

14 2 0
                                        

Previously on SMG...

"I don't need your money, just get out and leave." Ang malamig nyang sabi.

Okay fine. Ito na nga oh. Bababa napo.

"okay po, BOSS" talagang diniinan ko yung boss, at saka bumaba ng kotse nya. Agad naman akong pumunta sa likuran at nakita ko na binababa na pala nung alalay yung mga bag ko.

"salamat po sir. Sige ako napo bahala." Ang sabi ko dito at ayun na nga ang una encounter ko sa pinaka masungit na tao na nakilala ko.

---

Present day...



Nakauwi naman ako ng ligtas sa amin at hindi naman ako na kidnap kagaya ng iniisip ko. Ewan ko ba kung bakit ayun ang unang pumasok sa isip ko ng dakpin(really?) ako nung masungit na boss na iyon.

"o anak, tara na at kakain na tayo" ang sabi ni nay Lanie.

"sige po nay nandyan na po" ang sabi ko dito at saka tumayo na sa kama ko.

Anyway guys hindi pa po pala ako nagpapakilala sa inyo, ako po pala si Marnie Gantuan, anong age ko? Well change topic bes, pero 23 years old na po ako guys, at ako lang naman ang bumubuhay sa pamilya ko, pero ngayon nawalan ako ng trabaho dahil napatalsik agad ako sa kumpanya doon sa Manila at nandito ako ulit sa Batangas baka sakaling dito ay makahanap ako ng trabaho na babagay sakin, alam nyo na yung kaya kong gawin.

Hays hinding hindi ko malilimutan ang experience ko sa manila...



*Manila days...

"Marnie!!!" ang sigaw ng boss ko.

"yes po sir?" ang sabi ko kaagad at saka parang basing sisiw dahil sa kakatakbo habang bitbit ang san damak mak na papelas ng kumpanya.

"bring me some coffee!! Now!!" ang sigaw nya ulit. Agad ko naman binaba ang mga papeles sa isang table doon at saka tumakbo papuntang elevator

Tapos ayun na nga nang makarating ako sa office nya ulit dala dala ang coffee nya ay agad naman nag aalboroto ulit itong boss ko. Hays...

Okay sanayan lang yan Marnie, kaya mo yan. Sabi ko nalang sa sarili ko.

"excuse me sir?" ang sabi ko pa at bigla nalang syang humarap sakin na nakabusangot ang mukha at mukhang bulkan na sasabog.

"YOU-ARE-LATE!!!" ang sigaw nya sa mukha ko.

"hah? Sir?" ang sabi ko naman at parang gulat.

"Miss Gantuan let me tell you, sa company na ito bawal ang babagal bagal..." ang sabi nya habang ako nakayuko. Napapaiyak na ako that time. Pero kailangan eh, kailangan kong tatagan ang loob.

"dahil dyan sa ginawa mo alam mo ba na pinatunayan mo lang na karapat dapat kang palitan" ang sabi ng boss ko at agad naman akong napatingin sa kanya.

"what do you mean sir?" ang sabi ko pa.

"wala kang idea? TANG-GAL-KA-NA!" para akong nilaglag sa bangin ng banggitin nya ang mga salitang iyan.

"sir wait lang po, parang biglaan naman po ata" halos pinagsakluban ako ng langit at lupa sa mga narinig, tumulo na din ang mga luha ko. Halos tatlong buwan ko syang pinaglingkuran na araw araw ay kung utusan ako ay parang katulong tapos biglang ganito na lang ang balik sa akin, ni isang beses ay hindi ako nag reklamo, pero bakit ganun? Sinuklian mo ng kabutihan, ang balik sayo ay kabaliktaran.

"sinabi ko na ang dapat mo na marinig, and besides may na hire na nga ako na bagong secretary, and here's your salary, dinagdagan ko na din yan baka sabihin wala akong puso" agad ko na lamang tinanggap ang sobre na inabot nya sakin. Ang saklap ng kapalaran na naibigay sakin. Pano na ang pamilya ko? Ang sarili ko?

Dahan dahan ay tinalikuran ko ang ex boss ko. Pero bigla nya akong pinigilan, wait nagbago ba ang isip nya?

Agad naman akong napaharap sa kanya, at saka naman nya kinuha ang kape sa kamay ko.

"Now go!" ang sigaw nya ulit. Agad naman akong napalakad ng di oras. Tinungo ko naman ang pwesto ko sa office at saka pinagliligpit ang mga gamit ko. Hays, pano na kayang mangyayari sakin?

Nang makalabas na ako sa building ng ex job ko ay agad naman akong tinawagan ng jowa ko. Oo naman may jowa ako kahit papaano.

"hello?" ang sabi ko sa kabilang linya.

"hello babe?" ang sagot naman ni Berto.

"o babe napatawag ka?" ang sabi ko ulit.

"ano kasi babe..." ang sagot nya ulit

"ano ba yun babe? Magsabi ka lang" ang sabi ko pa ulit

"ano kasi, pwede bang magpadala ka ng pera? Ano kasi..." ang sagot nya. Tumingin pa ako sa wallet ko na isang daan nalang ang laman.

"babe, naintindihan ko naman na nag aaral ka kaya okay lang naman na humingi ka sakin, para ba sa projects nyo?" ang sabi ko pa sa linya. Kung ang iniisip nyo ay pumatol ako sa estudyante ay nagkakamali kayo, 25 na si Berto at 3 years na kami, yun nga lang kumuha ulit sya ng panibagong course kasi gusto nya daw maging isang chef, kaya ngayon pinag aaral ko sya, siguro para narin iyon sa kanya at para narin ata sa future namin, sabi pa nya kasi sakin pag nakatapos sya ng pag aaral ay mai ahon nya ako sa hirap. May tiwala naman ako sa kanya.

"thank you talaga babe, I love you, padala nalang ng pera ngayon" nabigla naman ako at nagpanik. Jusko. Mukhang mapapatakbo na naman ako nito.

"ay ngayon na?...( nag iisip) okay sige sige wait lang withdraw lang ako ah wait lang babe" ang sabi ko naman at pumara nang taxi.

Matapos ko na maipadala ang pera na nawithdraw ko ay pinaderetso ko na ang taxi sa mini rental house na tinutuluyan ko dito sa manila.

Napahiga nalang ako sa maliit at matigas na kama ng silid dahil sa pagod. Gusto ko lang mag pahinga.

Nagising naman ako ng biglang tumunog ang phone ko. Kahit na mapungay pa ang mga mata ay sinagot ko kung sino ang natawag.

"hello?" ang tamad ko na sabi dahil nga kakagising lang.

"nak?" wait... agad ko naman tinignan ang phone kung sino ang natawag. Si Nanay pala.

"Nay?! Nay!!!" ang iyak ko sa telepono.

"huy! Anyare sayo?" ang sabi sakin ni nanay sa kabilang linya.

"nay! Ano kasi..." sasabihin ko ba?

"Marnie! Kilala kita at alam ko kung may problema ka, sa iyak mo palang halata na, mukha kang bata umiyak" agad naman akong napa pout sa sinabi ni nanay.

"ano kasi... natanggal ako sa trabaho..." biglang tumahimik sa kabilang linya.

"nay, nandyan ka pa ba?" ang tanong ko dito.

"hays, anak ayos lang yan, ganyan talaga ang buhay may mga oras na mabibigo tayo, may mga oras na magtatagumpay..." napangiti naman ako dahil dinamayan ako ni nanay sa problema ko.

"kung gusto mo anak uwi ka muna dito, baka sakaling alam mo na, dito ka makahanap ng trabaho" agad naman akong napangiti, buti nalang at may mabait akong nanay kagaya ng nanay ko.

"sige po nay! Gustong gusto ko na po kayong makita! Miss ko na po kayo!" ang sabi ko pa. agad na naman akong nag impake ng mga gamit ko.

*end of Manila days...



Nabigla naman ako nang makalabas ng kwarto dahil sa lalaking nakita ko kasama sila nanay. Bakit ka nandito?

Berto?

Itutuloy...

She's my girlStories to obsess over. Discover now