Previously on SMG...
“hello lola—..” nagtaka naman ang lola dahil mukhang may umagaw ng telepono sa kanyang apo.
“hello! Ito ba ang lola ni Jerome?! Para sabihin ko sa inyo, nabuntis lang naman ng apo nyo ang anak ko!” nagulat bigla si lola Maribel.
“anong sabi mo? Nabuntis ni Jerome si...” bigla na lamang itong nahilo pero nasalo naman ito ni Teresa. Dahil may pagkatsismosa din itong si Teresa at gusto din nya na ang anak nya sa ibang lalaki ang mag mana ng kumpanya ay bigla syang naintriga ng marinig na may nabuntis si Jerome.
“Sige... mabuting pag usapan natin yan ng personal” ang sabi na lamang ng matanda at saka tumayo na at saka nag handa na sa pag alis. Naiwan naman si Teresa at nag text pa sa anak nya.
Ano naman kaya ang mangyayari sa pagdating ng Lola Maribel ni Jerome sa Coffee Island.
---
*present time...
-MARNIE’S POV-
Habang hinihintay namin ang lola ni Jerome ay nakaupo lang kami at sobrang tahimik ng paligid.
Agad naman namin napansin ang mga taong nag datingan. Siguro nabalitaan na nila ang nangyari. Ang dami pa naman tsismo dito.
Bigla nalang silang sisigaw.
“Marnie! Pakiusap dinggin mo kami!” ang sigaw ng mga tao sa labas. Bakit nila ako tinatawag?
Lumabas naman ako at nakita ang maraming farmer. Nakita ko din sila tiyo nilapitan naman nila ako.
“tiyo anong meron?” ang tanong ko pa dito.
“Marnie, alam namin na si Sandoval ang ama ng nasa sinapupunan mo.. parang awa mo na... dugong Sandoval ang anak mo, gamitin mo sana yan para hindi na mag sara ang kapihan.” Ang paliwanag ni tiyo. Naawa man pero bakit..
“Tiyo pero...” bigla nalang silang lumuhod lahat sa akin.
“tumayo po kayo please...” ang nasabi ko nalang. Bigla na lamang napatayo ang lahat ng may huminto sa harapan ng maraming tao na isang kotse. Lumabas naman doon si Lola.
Ang lola ni Jerome.
Nakangiti itong pinuntahan ako.
“iha kamusta kana?” ang tanong nya sakin.
“o-okay lang naman po” ang tipid ko na sagot dahil hindi ko alam ang isasagot dito.
Pumasok naman siya at napatayo ang laaht sa loob. Inalalayan ko si lola dahil medyo mahina na din itong mag lakad.
“ayos lang ako iha” ang sabi naman nya kaya naman binitawan ko na din sya.
“Madam, alam ko na mayaman kayo, at alam ko na kaya nyong gawin ang lahat, pero hindi ako papayag na hindi pakasalan ng apo nyo ang anak ko...” ang paliwanag ni nanay. Hindi ko alam ang ikikilos o ang dapat ko ba na gawin.
“kaya nga ako nandito... tuloy ang kasal...” ang sabi ni lola. Nagulat man si Jerome pero wala na din syang nagawa.
“sa totoo lang, apo lang ang kailangan ko at hindi manugang, pero dahil ina ka naman ng ina ng magiging apo ko, susundin ko ang gusto mo” ang paliwanag ni lola.
![](https://img.wattpad.com/cover/219886814-288-k331690.jpg)
YOU ARE READING
She's my girl
RomanceDescription: This story ay tungkol kay Marnie isang babaeng sobrang bait at masipag, lahat gagawin nya para sa kanyang pamilya sa probinsya. Kaya naman ng pumasok sya sa isang malaking kumpanya ay siya na ang tumutustos sa pamilya, habang ang mga it...