Prologue

18 2 0
                                    

December 27, 2021. 11:50 PM waiting for December 28, 2021
Tokyo, Japan.
Winter.

Aerin.

Most of us are smiling ear to ear. Syempre gugunitain lang naman namin ang aming 10th anniversary bilang magkakaibigan.

Madami ng pagsubok ang humarap. Nandiyan ang pagsubok sa career, pagsubok sa friendship, pagsubok sa pamilya at pagsubok sa lovelife na nilabanan na namin ng magkakasama. Walang bumibitaw at walang kumakalas. Kapit lang hanggang dumating pa sa ikasampung dekada.

"Hoh! Sino ba kasing siraulong nakaisip na sa Japan tayo mag anniversary?" Nakasimangot na tanong ni Red at nagtawanan naman ang lahat. Malamig kasi ngayon dito and worst, sa balcony pa nila naisipang tumambay. Para daw may thrill eka ni Chester.

"Eh sino pa bang anime guru dito? Edi si Ryder!" Sagot naman ni Zoey na sinamaan agad ng tingin ni Ryder

"Eh hindi ko naman sinabing pumayag kayo eh" pandedepensa ni Ryder sa sarili at napailing nalang ako sakanila. Habang nag aaway si Ryder at si Zoey, agad namang bumukas ang pinto and it's Brianna, Xianel and Allison na kahit ang bibigat na ng pasanin nila sa buhay ay nakukuha pa nilang ngumiti at makijoin sa 10th anniversary. Dala nila yung cake na ginawa ng boys kanina. At isang minuto nalang ay December 28 na. Araw ng anniversary namin.

"Oh magsitahimik na kayo and let's hold each other hands!" Masayang masaya kong pagkakasabi at buti naman dahil sinunod nila ang sinabi ko.

Katabi ko ngayon si Allison sa left side at si Xianel naman sa right side. Habang si Xianel at Brianna sa left side ang magkahawak at sa kabilang kamay naman ni Brianna ay si Ryder kaya todo tukso naman kami.

"Thankyou for giving us a friendship like this!" Masayang tugon ni Piper at sabay sabay na kaming nagbilang.

"10! 9! 8! 7! 6! 5! 4! 3! 2! 1! HAPPY ANNIVERSARY WOOOH!" sigaw namin at may inabot naman sa amin si Red na fireworks stick at masaya naming winagayway iyon, kasabay ngpagbukas ni kuya Knoxx ng champagne at ang masayang pag iingay ng lahat, nagpapicture sa crew ng hotel and such! Syempre once in a lifetime lang tong anniversary na to! And infairness, ready si Red ah!

Nang matapos na ang 12:00 am to 12:15 am ay napagdesisyunan na naming umupo at kumain. Ewan ko pero biglang tumahimik ang lahat ng patayin na nila ang fireworks stick at malungkot na mukha naman ang gumuhit sa mga mukha nila.

"Why?" Tanong ko sakanila at malungkot silang tumingin sa akin.

"Next year, aalis na si ate Brianna papuntang Spain. Ikaw naman, sa Switzerland kasi sabi mo dun mo itutuloy ang career mo. Si ate Xianel, magpapalamig ng ulo. Si kuya Red, syempre sasama yan sayo together with ate Piper kasi sabi nila, kukuha sila ng opportunity diyan para sa paparating na dance competition. Inshort, maghihiwa hiwalay na tayo." Malungkot na pagkakasabi ni Allison na mas ikinalungkot naman ng lahat pero bigla din nagsalita si Red.

"So what kung pupunta kami ng Switzerland? Mga isang buwan lang kami magtatagal dun at isasama namin pabalik si Aerin!" Sasabat sana ako ng pinanlakihan nalang ako ni Red ng mata at parang sinasabi niyang don't kill the mood because Allison can kill kaya natawa nalang ako at tumango.

"Me too! Bakit naman ako mag i-stay ng matagal sa Spain eh hindi ko naman maintindihan sinasabi ng mga yun." Natatawa namang tugon ni Brianna tsaka nagtawanan lahat. Gumaan ang sitwasyon lalo ng sinabi din ni Xianel na isang linggo lang siyang magpapalamig ng ulo sa Korea.

Sinulit namin ng masaya ang araw na to. Ang araw na kumpleto kami. Kulitan, asaran, lambingan and such na common na ginagawa ng magkakaibigan. Sana lang ay magtagal pa ng ilang dekada ang samahan na to. Because this friendship is the best for me. Na kahit ilang bagyo pa ang dumaan, hinding hindi hahayaan ng bawat isa na masira.

Our Scenarios: Written In The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon