6

12 1 0
                                    

Brianna's POV

In ending, sa bus din nila Manager Lee kami sasakay. Masiyado palang malayo ang pupuntahan namin kaya alam kong bukas pa talaga makakauwi. I yawned so hard dahil inaantok na din ako. Hindi ako masiyadong nakatulog kagabi dahil na rin sa scene ni Piper. Hindi ko padin sinasabi kay Xianel ang tungkol sa mga bagay na yun.

Naghihintay kami ngayon sa gate ng apartment namin. Syempre may daldalan at maingay lalo na sila---

"WAHAHAHAHA! Paano ulit yun Xianel?" -Aerin

"Diba kasi si Brianna nung nagswimming tayo HAHA! Edi habang lumalangoy ako at pag ahon ko sabi ni Brianna tsk ang lagkit ng buhok ko sabay labas ng suklay sa bulsa ng swimshorts niya. Syempre nagulat ako kasi bakit may suklay pala dun sa buong oras ng pagsuswimming natin? HAHAHA! Tapos ayun nagsuklay siya! Sobrang ganda pa ng awra tas hinhin. Pero gulat talaga ako kung bakit nga ba kasi may suklay pa pala siya sa bulsa kahit nasa tubig na BWAHAHAHA!" -_- Paborito talaga akong itopic ng Xianel na to. Mukha ba akong clown? Mukha ba akong clown?

"KYAAAAAH! BWAHAHAHAHAHA! KYAAAH! BWAHAHAHA!" - oo tawa ni Allison yan. With pa-tili tili pa. Literal nalang akong napa-face palm. Lakas talaga ng trip ng tatlong to. Trio talaga sila. XiaAeSon. Tss. Tapos si Piper wagas din makatawa. Ft. Piper as taga-tawa. Saya saya nilang ako yung topic peste.

"Ang saya niyong tatlo ah? Masaya akong topic?" Nakapoker face kong tanong at maluha-luha pa silang tumango sakin kakatawa nila. Too much happiness is not good hmp!

Mamaya ng onti ay dumating na ang bus kaya dahan dahan kong binuhat ang bagpack ko.

Yung trios, nagtakbuhan papunta sa bus. Oo NAGTAKBUHAN. Bata ba sila bata?

Mabilis ding kumilos ang iba except sa amin ni Daphne.

"May dala ba kayong foods girls?" Tanong ni Manager Lee ng makalapit na kami sa bus. Yung tatlo naman, nakapasok na. Mga hyper.

"Meron. Mawawala ba yon?" Sigaw ni Allison na nakaupo na at katabi niya si Aerin. Habang si Xianel naman, katabi niya si Ysabelle.

Whaaat? Wala na pala akong makakatabiiii TT_TT

Kasi bale (unahin ko sa likod) magkatabi si Ryder at Kuya Red. Si Piper at si Daphne. Si Zoey at si Lynch. Si Jiann nasa solo seat. Mukhang busy kasi. Si Aerin at si Allison. Si Xianel at si Ysabelle. At si kuya Knoxx at Aiden naman ay nasa harapan katabi ng driver's seat. So no choice mag sosolo seat ako.

"Brianna sisigaw nalang namin daldalan namin dito para marinig mo! WAHAHA!" Pang aasar sakin ni Piper. Grrr whatever! Edi kayo na magkakatabi duh?

Nilabas ko nalang ang phone ko kung may message ba sakin si Elijah. And you know what? (Syempre hindi) Magkachat na kami ni Elijah at bumabait na siya sakin! But sadly wala pa siyang reply. Ang last chat ko sakanya is nagtanong ako kung anong pangalan ng kapatid niya (wala na akong matopic oo.)

Sinaksak ko nalang yung earphone sa phone at tenga ko para magpatugtog. Masiyado na akong bored dahil wala akong katabi. At gusto ko din naman to para peace environment.

Habang pinapatugtog ko ang kanta ng EXO na Don't Go ay naramdaman kong may tumabi sakin.

Eh?

Pagkatingin ko ay si kuya Chester.

Our Scenarios: Written In The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon