11 PT. 2

12 0 0
                                    

Zoey's POV

Pag tilapya ang prinito, tatalsik.
Pag manok prinito, tatalsik.
Pag itlog, di naman gaano tatalsik.

Napailing naman kaagad ako ng ulo sa mga naiisip ko ngayon. Lutang ako dahil may Quiz pala kami bukas hindi ako aware. Ayoko namang sabihin kila ate Xianel kasi baka pauwiin ako. Ayoko ngang umuwi! Pamamasyal is better than pag aaral and I believed, may stock knowledge ako para bukas.

"Zoey! Tingnan mo yung lalaking yun oh kanina pa nakatingin sayo." Bulong ni Daphney sakin sabay bigay ng ice cream na binili niya. Hmm bait talaga ni Daphney!

Napatingin naman ako sa lalaki. Gwapo pero di para sakin yan. Ewan ko ba pero may iisang lalaki lang ang nasa puso ko at si Prince iyon. Yes! The owner of the bar.

Nakakahiya nga kasi medyo nalasing din yata ako kagabi pero hindi sobrang lasing unlike the other girls and my kuyas. Kaya di naman siguro siya turned off sakin?

"Ah okay!" Sabi ko and smiled at Daphney.

"Bakit naman 'ah okay?' ayaw mo sakanya? Gwapo kaya." Pabulong ulit na sabi ni Daphney at umiling kaagad ako.

"Prince lang eh." Sabi ko and Daphney smirked. Makangisi naman parang may ibang meaning yun ah?

"Kailan mo pa nakilala si Prince? Bakit kahapon Prince Charming mo talaga siya?" Tanong ni Daphney habang naglalakad na kami ngayon papunta kila ate Brianna na bumili ng juice para bumili din syempre!

"I knew him since highschool. Madalas kasi silang mag hang out noon nila kuya Chester at kuya Knoxx tapos sinasama din nila ako minsan." Kwento ko at napatango naman si Daphney. I still remember what happened on our first met. Senior High ako noon.

That was a basketball competetion at nanalo si kuya Chester and his team sa finals. UST sila kuya Chester. Bale UST vs. ATENEO ang naganap noon. Prince studied in Ateneo as their cap and kuya Chester naman ang cap sa UST.

Isa ako sa junior cheerleaders ng Ateneo, and yes magkahiwalay kami ng school ni kuya Chester. Bale magkakahiwalay kaming tatlo. Si kuya Knoxx ay sa UP, si kuya Chester ay sa UST, habang ako ay sa Ateneo.

I'm still happy coz my brother is the winner kaya wala naman akong naramdaman na disappointment that day na natalo ang Ateneo. Tapos, inutusan ako ng pinaka leader ng cheerleader namin na bigyan ng tubig ang mga basketball players. Kaya sinunod ko naman. Until it's the captain's turn na bigyan ko siya ng tubig. Hinanap ko ang captain ng Ateneo at nakita ko siya sa sagitna ng court, kausap niya si kuya Chester.

"Pre, congrats parin ang galing mo palang maglaro. Let's team up someday. Punta ka sa party ah? Hintayin kita." sabi ni kuya Chester sakanya at nakipagbro fist naman si Prince.

"Mas magaling ka. You're the best captain so far. Sige pre pupunta ako." Sagot naman ni Prince at napangiti ako. He's a good captain! Actually, si Prince lang ata ang hindi nakaaway ni kuya na captain eh! I mean hindi siya mayabang!

Binigay ko naman na ang tubig matapos nilang mag usap at pinakilala na din ako ni kuya sakanya. Then dun na nagstart!

"Oh. Siya ba yung captain ng Ateneo dati?" Tanong ni Daphney and I nodded.

After namin sa Baluarte ay pumunta na kami sa Hidden Garden. Wala naman kaming gaanong ginawa duon. Mahilig si Allison sa bulaklak kaya dun kami pumunta. Nagpicture, bumili ng pagkain at umalis.

Next spot ay sa mga museum at old houses dito. Ayun tuwang tuwa kaming lahat dahil nag iimagine kami bilang mga 1800's people. Sakto kakabasa ko lang ng ILY Since 1892. Wattpader kaya ako!

Our Scenarios: Written In The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon