9

11 0 0
                                    

Aerin's POV

Nakatambay ako ngayon sa balcony habang nakatingin sa kalangitan. Nasa baba yung mga balahura kong kaibigan, maingay at nagkukulitan.

Balak naming magpunta ngayon sa Party kaya umakyat ako dito sa taas para magpalit dahil binasa ako ng mga sutil.

"Yie naalala niya si ex." Bungad ni Chester at sinamaan ko naman kaagad siya ng tingin.

"Yawa ka." Sagot ko sakanya at tumawa naman siya tsaka lumabas na ulit ng kwarto. Kinuha niya yata yung wallet niya.

Bigla ko namang naalala yung meeting between Crystalis and JPen kaya kinontact ko kaagad si Fae at kinamusta yung meeting.

"Ikaw babaita ka, pasalamat ka alam ko ang ginagawa ko sa meeting nun! At ayos na ang lahat syempre. Mukhang nadisappoint lang yung ceo ng JP dahil sumipot siya tapos ikaw wala!" Pagpapagalit sa akin ni Fae sa phone at sumandal naman kaagad ako sa railings tsaka huminga ng malalim.

"Okay I'm sorry. Biglaan kasi. I didn't know na magtatagal pala kami dito ng days but BTW, Thankyou Fae." Formal na pagkakasabi ko at naimagine ko naman kaagad si Fae na umiirap na ngayon.

"Ako pa ba? Nga pala, diyan din ang punta ng CEO ng JPen bukas. Mukhang may family outing ata sila so baka magkita din kayo." Sabi ni Fae. Wow ang liit naman pala ng Ilocos Sur para magkita kami ni Mr. Yun Zhi Xiao.

"Ang liit ng Ilocos Sur grabe." Pamimilosopo ko kay Fae.

"Loka! Malay mo naman kasi diba! Pasalubong pala ha! Tsaka pag nagkita kayo ni Mr. CEO, ireto mo na kaagad siya sa mga kaibigan mo o sayo nalang. Single siya cyst tapos ang hot at ang gwapo pa!" Napataas naman kaagad ako ng kilay. What the fridge na walang laman? Ireto ko si Mr. Yun Zhi Xiao sa mga kaibigan ko? Utang na loob? Ano si Mr. Yun sugar daddy? At sa akin? Loko ba siya? Oo single ako at idol ko si Mr. Yun pero hindi ko papatulan yun! At bakit naman naging hot at gwapo si Mr. Yun eh kikiam na kaya yon! Anong taste meron 'tong si Fae?

"Siraulo ka bang abnormal ka? Mga type mo kikiam?" Tanong ko at tumawa naman kaagad siya ng malakas. What the?

"HAHAHAHA TANGA! ANONG AKALA MO SI MR. YUN---"

"AERIN HWANG KANINA KA PA NAMIN TINATAWAG SA BABA! TARA NA DAW!" Malakas pa sa sirenang sigaw ni Xianel kaya kaagad akong namaalam muna kay Fae.

"Gonna call you later nalang. Text mo nalang yang sasabihin mo sana sakin." Sabi ko at agad naman siyang sumagot.

"Utot. Bahala ka nalang maka-encounter. Pwedeng bukas o pag dadalawin mo nalang si Mr. CEO na kikiam kuno. Diba sabi mo pupuntahan mo siya pag uwi mo?" Bwiset talaga amp! Inend call ko na nga lang and texted 'wala kang silbing kausap' and then she sended vm on my messenger which is her nakakabadtrip na tawa.

Nasa Party na kami ngayon. As usual maingay. Nagpapatugtog ang DJ habang sumasayaw na umiinom ang mga tao. Karamihan na nandito ngayon ay foreigneers at mga half half ang lahi siguro.

Pumasok kami sa loob. Mas madaming tao ngayon dito sa loob at medyo mas maingay kaya parang mas trip ko ang ambiance sa labas. Dahil higit sa may fresh air ay rinig na rinig din yung wave ng dagat.

"Yo dude long time no see! Sumunod kayo sakin!" Sabi ng isang lalaki na nakipagbro fist kay Knoxx. Tinanguan naman siya ni kuya Casper like they knew each other since day 1 o baka kilala talaga siya ni kuya Casper since tiga dito naman si kuya Cas. Oh whatever. But wow ah? That guy is a good looking half foreigneer. Mukha siyang half Korean.

Our Scenarios: Written In The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon