15

6 1 2
                                    

Xianel's POV

Napaka-busy ng isang linggo ko! Sobrang stressful din! Feeling ko ako na yung magiging pasyente ngayon eh!

Alas singko palang ng umaga ay nag-aayos na kami. May family breakfast kasi sa malaking garden nila Piper.

Kaya bale present ang mga magulang namin. Super duper laking table siguro ang gagamitin pft.

"Allison sure kayo na mga college na 10:00 pa ang may pinakamaagang pasok sainyo?" Tanong ni Brianna. Biyernes ngayon at karaniwan nga sa mga college ay half day lang ang pasok tapos yung iba naman ay wala.

"Yeah ate. Wala kaming pasok tapos si ate Zoey and ate Piper lang ang meron. Pang-hapon pasok ni ate Piper habang si ate Zoey naman ay yung 10:00." Pagpapaliwanag ni Allison kaya tumango nalang kami. Alas sais ang start ng big breakfast pero dahil maaga kaming nagising ay nararamdaman ko na din ang gutom.

Matapos kong ayusin ang bag ko since dederetso ulit ako sa Clinic ko mamaya ay lumabas na ako. Mga lalaki ang susundo sa amin sa labas. Inutos din ng mga magulang nila na wag ng pag-drive-in ang mga babae. Yeah magulang nila since okay lang naman kay mom na mag-drive ako. Pero para makatipid sa gas, siguro sasabay nalang ako sakanila at mag jeep nalang pauwi. Miss ko na din mag jeep eh.

"Kompleto na ba lahat o baka may naiwan pa sa loob?" Tanong ni Kuya Knoxx sa amin. Kuya Knoxx look so handsome today. Ewan ko pero iba yung appeal niya ngayon? Yeah I admit may maliit na crush pa ako sakanya pero hindi mapapantayan yun ng pagkagusto ko ngayon kay Casper.

By the way, I added him in his facebook account and gladly, inaccept niya kaagad ako. Ang saya sa feeling!

"Kompleto na master." Mapang-asar na sagot ni Daphney.

"Xianel, Aerin at Allison dito na kayo sa kotse ko. Zoey, Jiann at Daphney dun kayo sa kotse ni Chester---"-Kuya Knoxx

"Pwede bang si Brianna, Piper at Ysa nalang sa akin?" Pamumutol ni Chester sa sinabi ni kuya Knoxx. Kaagad kaming nagtinginan nila Allison at Aerin tsaka mapang asar na nilipat ang tingin kay Brianna.

Poker face kunwari si Brianna pero deep inside nag hahampasan na mga blood cells niyan.

"Yun ih!" Pang aasar din ni Piper at patago naman kaming tumatawa. Delikado na baka maging obvious.

"Tch sa akin sasakay sila ate Bri." Sabi naman ni Ryder at nanlaki ang mata naming lahat ng biglang hilain ni Ryder si Brianna sa loob ng kotse.

Pambihira iba talaga pag maganda yung buhok eh!

Ending, andito kami nila Alice kay kuya Knoxx tapos sila Zoey ay kay Chester at ang VIP na si Lynch at Aiden ayun sila lang dalawa. At syempre set up yun. Ewan ko ba sa mga 'to ang babata pa ng mga yun eh!

Nakaupo ako ngayon sa tabi ng driver's seat. Syempre set up din 'to.

Habang nasa byahe kami ay dito ko na tinake ang daily morning vitamins ko at habang umiinom ako ng tubig ay nagsalita si kuya Knoxx.

"Dadating sila Casper ngayon ah." At tuluyan na akong nasamid.

"WHAAAT? WEH? HOW?" -Aerin
"YAAAAY ANDITO SILA YEEEHEEEY! AYIE ATE XIANELLL!"- Alice

ANAK NG 5 TIMES 5 IS EQUALS TO 25! SERYOSO? Feeling ko malalaglag na yung puso ko sa sobrang tibok! Ano ba yan! Hindi ako masiyadong nakapag-paganda pero buti nalang naisipan kong magsuot ng make up ngayon! Aish yung buhok ko! Maayos ba? Kaagad akong napatingin sa salamin.

Our Scenarios: Written In The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon