13

7 0 0
                                    

Aerin's POV

Dumaan na ang isang magulong araw ang Lunes and as usual, normal day lang naman. Nagkape sa umaga, nananghalian at magkakape ulit sa gabi tsaka kakain ng dinner sa apartment.

Araw ng martes kung saan may event daw ang mga big companies. Naiistress ako dahil wala padin akong napipiling dress until now.

Nandito ako ngayon sa botique ni Salvy, yung bakla kong barkada noong highschool na successful fashion designer na ngayon. He give us a dress if we need to for free. Ganun din kami sakanya. Kapag may mga bagong labas na products or he need some of our products, we will give that to him, for free.

"Alam mo ateng pagka-arte arte mong nilalang! Ayaw mo ng medyo sexy dress kasi iniisip mong magmumukha kang pokpok tapos ayaw mo din ng long sleeve kasi naiisip mo namang nasa Party tapos masiyadong casual. Hayst. O eto mamili ka sa mga 'to. Pag ikaw talaga wala pang napili dito ako na ang pipili sayo. Sasampalin na talaga kita pag nag inarte ka pa." Panenermon sa akin ni Salvy. Duh! Once in a lifetime lang naman kasi magkaroon ng Party so dapat lang na maging almost perfect look naman ako! I'm a stressed CEO tapos di man lang mahalin ang sarili? Mali yun!

"Nyenye." Sagot ko nalang sakanya habang namimili. Then a black dress caught my attention. Well, that's a night party so this black off shoulder dress can do. It looks simple pero maganda yung tela!

"Hey Salvy, I will try this one. This looks so cute." Sabi ko sakanya habang sinusuri ang tela. Ang ganda talaga ng tela niya. I love it!

"O edi i-try mo! Wala namang pumipigil sayo eh." Suplado niyang pagkakasabi. Well, lahat naman ng mga kaibigan ko balahura eh. Ako lang naman ang mabait.

Pumasok na ako sa fitting room. Buti nalang at madali lang tanggalin ang damit ko. I'm just wearing a white simple dress. Syempre nag day off muna ako ngayon para maghanap ng isusuot mamaya. Nakakahiya naman makakasama ko mamaya ang mga kapareho kong CEO.

Ng maisuot ko na ay--WOW! This one looks perfect on me! Simple yet elegant! Eto ang hinahanap ko!

Lumabas ako para ipagmayabang kay Salvy na bagay ko ang damit. Buti at walang tao ngayon sa shop niya since it's Tuesday at kalagitnaan ng umaga.

"Hey Salvy look!" Tawag ko kay Salvy pagkalabas ko na nagbabasa ngayon sa counter ng celebrity magazine.

"Yan! Simple yet elegant! PERFECT! Akalain mo yun may taste ka pala? Oh ano need mo din ba ng sapatos? Naku it looks so good sayo cyst! Gawin kaya kitang model ko?" Sabi niya habang iniikutan pa ako.

"Malamang I'm working sa entertainment ko so I have really a taste. Loka ako model? May time pa ako diyan? Just grab some of my models!" Sabi ko at natawa naman siya kaagad sa sinabi ko.

"Loka iba parin pag ikaw! Syempre imagine di ka model tapos bigla kang lumabas sa shop ko edi model ka na nun? By the way, gusto ko din yung ganda ng kaibigan mong si Daphney. Grabe cyst ang sexy na ang ganda pa!" Wow lalaki na ba 'to? Binigyan ko naman kaagad siya ng 'Ayie' look pero hinampas lang niya ako sa braso.

Napakabigat ng kamay!

"Straight ka na ba?" Minura mura niya ako pagkasabi ko nun at panay naman ang tawa ko.

Pagkatapos kong kumuha ng dress ay binigyan niya pa ako ng designer shoes from Paris daw. Regalo daw niya sa akin since nag number one ang entertainment ko again this month.

Tuwang tuwa naman akong lumabas sa shop niya at napagdesisyunan na dumaan muna sa coffee shop ni Ryder. Syempre I want to have some drink. Coffee? Hayst puro kape nalang laman ng katawan ko.

Our Scenarios: Written In The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon