3

29 0 0
                                    

Brianna's POV

Huh? Kotse ba ni Ryder yun? Ni kuya Knoxx o ni kuya Chester?

Argh bahala sila. Pare parehong gray ang kotse nila at yan ata ang pinagsakayan na kotse ni Allison kanina. Well, I don't care basta safe sounds na ngayon si Allison. At ang mahalagang importante ay masaya ako ngayon dahil kachat ko lang naman yung crush ko.

O diba ang kapal ng mukha ko? Nah! Si Xianel ang nagsend ng chat na yan sa crush ko tss.

From: Elijah💗❣️♥️

good evening din

Yieeee! Bakit ba pag yung crush ko nag good evening sakin nakakakilig samantalang pag yung mga lalaki sa tabi tabi mukhang manyak na malandi eh nakakarindi?

To: Elijah💗❣️♥️

Are you still studying pala o nagwowork ka na?

Tanong ko. Masiyado na ba akong tsismosa?

From: Elijah 💗❣️♥️

Bakit?

-_- syempre interesado sayo! Pero bawal kong sabihin yun syempre. Bawal ang malandi sa isang Brianna. Dapat maganda lang.

To: Elijah 💗❣️♥️

Wala lang. I'm just asking? 😁

"HOY BRIANNA AKISHA! UMAKYAT KA NA DITO BAKA MANGAMOY BASURA KA DIYAN AYAW NAMIN NG KAROOM MATE NA MABANTOT!" Pambabastos sakin ng walangyang CEO kuno na si Aerin na akala mo, super clean wala namang jowa. Palibhasa napakasungit sa work kaya kahit napakaganda niya pa, matatakot sakanya ang boys psh.

Konsensya: wow parang hindi ikaw ah?

Tseh! Mas mabait na ako kay Aerin. Bitchesang yon?

"WOW ATLEAST MASIPAG EH IKAW--- NAPAKABASTOS MO TALAGA AERIN MADAPA KA SANA BUKAS!" Pinagsarahan ba naman ako ng bintana ng loka? Humanda siya sakin mamaya ichachat ko lahat ng lalaking staffs niya gamit ang phone niya pag tulog na siya HAHAHAHA!

Inayos ko muna ang buhok ko bago pumasok sa bahay. Di kumpleto ang araw ko pag magulo ang buhok ko. Kailangan every seconds, maayos. Because hair is important in our life so we should atleast take care of it.

Oha! English yan!

"Brianna, baka naman pagawa ako ng essay sa english? Dami ko pa kasing gagawin eh." Sabi ni Piper na kawawa na dahil sa dami ng gawain. Palibhasa medic ang course.

"Oh sure! Pero di ako ganun kagaling ah?" Sabi ko kay Piper. Delikado na baka panget pa magawa ko. Pero masipag akong mag aral at paborito kong gawain ang magreview noong nag aaral pa ako kaya di pa nawawala ang knowledge ko about sa mga essays essays.

"Thankyou so much Brianna! Bibigyan kita sa susunod ng Limited Edition ng pinakasikat na Shampoo brand ni Aerin. Makikipagunahan ako sa customers niya!" Sabi niya at natawa nalang ako. Actually, yang limited edition na sinasabi niya ay never ko pang nagamit kahit kaibigan ko pa si Aerin. Why? Eh kung si Aerin nga nauubusan ako pa kaya?

Pero promise naman ni Aerin na next year, dadamihan na daw ang paggawa ng shampoo na yun para magkaroon kami tig iisa.

"Thanks Pipes!" Sabi ko at tumango naman si Piper.

Our Scenarios: Written In The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon