16

2 1 0
                                    

Brianna's POV

Pagod na pagod kong ibinagsak ang katawan ko sa mini office ko dito sa salon. Paano ba naman kasi, may isang pa-VIP na mga celebrity na dapat, ako daw ang mag ayos ng buhok nila hindi yung ibang mga hair stylist ko. Actually, my workers is great. Hindi naman ako kumukuha ng palpak na hairstylist eh. Some of them is better than me pa nga. Pagkaarte arteng nilalang. Apat sila tapos mag-isa ko lang nag aayos ng buhok na kanina psh.

45 minutes na ang lumipas at nakahiga na ako sa couch ngayon while browsing on my instagram

"Coffee ate Bri?" Napaayos kaagad ako ng pwesto, at umupo ng dumating si Zoey dala dala ang dalawang starbucks cup.

"Hey why are you here?" Tanong ko kaagad and she sighed heavily.

"Kuya Chester and kuya Ryder is here. Nagpasama sila sa akin." She pouted. Oo nga pala sabado din ngayon walang pasok ang mga students.

"Thanks for the coffee. Are you here to study?" Zoey smiled at tumango siya sa akin tsaka binaba ang bagpack niya at nilabas ang isang makapal na libro that stressed me out.

"Okay sige study well okay? Lalabas lang ako to check them." Nagpasalamat si Zoey sa akin at pagkatapos nun, lumabas ako dala-dala ang coffee.

"Ate Bri!" It's Ryder waving at me. Naka-upo sila sa waiting area dahil may inaayusan pang mga babae.

"Barbers can do your hair bakit dito pa?" Tanong ko at napa-pokerface naman silang dalawa. Actually, this salon is not only for female naman. Madami ding male customers dito. Mas madami nga atang male customers kaysa sa female eh. Maybe because my stylists are pretty and good and also my gays stylist is the best in male's hair.

"To see you daw---aray potereges ka Ryder." May mga kasama pa pala sila. I don't know who's him pero mukhang magkakaibigan naman sila.

Hinanap ko kaagad si kuya Chester at nasa labas siya holding his hard hat at may kausap na businessman. So galing siya sa site.

"Wait papabuksan ko lang yung second floor para maumpisahan na kayong gupitan or what." Pumayag naman sila kaya umakyat na ako sa taas. My salon is third floor salon. Madami kasing nagpapa-salon tuwing before christmas, bago undas, bago magkaroon ng awarding sa mga artista at iba pang okasyon.

"Hey kuya Mac, call the stylist na. Nine person ang meron sa baba including the two girls in the waiting area." Sabi ko sa guard dito sa taas.

"Okay Madame." Bumaba ako para sana sabihin na sakanila na pwede na silang umakyat sa taas pero may ganap yata dito. Nakatayo yung babae habang pinapagalitan ang stylist ko. What the hell is wrong here?

"Sorry po Ma'am pero diba po sabi ko po sainyo wag po kayong gagalaw? Gumalaw po kayo eh." Rinig kong sabi ng stylist ko. Oh my gay stylist si Lary. Suplado si Lary pero he can still manage his temper kapag ganitong kaganapan because of the freakin quotes na 'Customer is always right.'.. The heck.

Ganun naman talaga dapat eh. Kahit customer ang mali, ikaw padin ang may kasalanan at sisisihin.

I never fire my stylist here pag ganyang kaganapan. Because it's not their fault so why the hell I ruin their reputation just for a stupid mindset of a bad customers?

"The hell ofcourse nangawit ako kaya gumalaw ako! You're so unprofessional you suck!" What.the.heck?

"Dapat po sinabi niyo sa akin na nangangawit na kayo hindi yung bigla kayong gagalaw tapos ako yung sisisihin niyo." Mapagpakumbabang sagot ni Lary sa babae. The girl's face is red now dahil sa sobrang inis. It's her fault.

Our Scenarios: Written In The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon