11

14 0 0
                                    

Brianna's POV

Sa wakas kakain na din! Kahit naman inaasar nila akong walang pagmamahal sa pagkain eh nagugutom parin ako at hindi totoo na wala akong pagmamahal sa pagkain. I love eating kaya! Duh.

"Let's eat!" Sigaw ni Lynch after naming magpray. Para namang nakaturbo yung mga kaibigan kong SPG (Super Patay Gutom) sa pagkuha ng pagkain. Madami yung pagkain kaya alam kong hindi ako mauubusan kahit isang putahe lang.

Habang hinihintay silang matapos ay may naglapag sa akin ng plato na may pagkain. Napatingin ako sa nagbigay and it's Ryder.

"D-Dalawa kasi yung nakuha kong plato kaya k-kinuhanan nalang kita." Nahihiya niyang sabi that melts my heart. Awww. Ang bait naman!

"Thankyou!" Sabi ko then he smiled tapos ay bumalik na sa pwesto niya. Sa plato, may fried rice, itlog, tocinno at at dalawang piraso ng spam tsaka isang toasted bread.

Ang dami naman neto pero dahil gutom ako, kakainin ko 'to lahat syempre.

Habang kumakain ako ay may naglapag naman ng drinks sa akin. Napatingin ako at si kuya Chester.

"Kinuhanan na kita. Oh Lynch sayo 'to!" Sabi niya at binigay naman kay Lynch yung isa.

Napatingin ako kay kuya Chester at ganun din siya sa akin and I mouthed thankyou tapos nag okay sign naman siya.

Idk this guys is weird today. Ang babait naman nila sa akin! Birthday ko ba?

"Ayieee haba ng hair. Sana all may tiga kuha ng foods!" Sabi ni Allison habang hawak sa kaliwang kamay yung tinidor na may nakatusok na tocinno.

"Kuhanan kita?" Sarcastic ko namang tanong at umiling siya.

"Huwag na sobrang daming laman ng plato ko." Sagot naman ni Allison and I signed K fine.

Kumakain kami ng tahimik ngayon dahil pag maingay kumain, goops daw ang tawag duon.

After naming kumain ay napagdesisyunan na naming maligo upang bumili ng souvenir sa souvenir shop. Uuwi na kami mamaya kaya time na para bumili ng pasalubong.

Pagkatapos kong mag ayos ay chineck ko kung may message ba sa akin si Elijah and meron nga. We've been chatting how many days na. Buti nga ay hindi namamatay ang convo namin because I won't let it die ofcourse! Ewan ko nga ba kung saan ko pinulot talaga yung kakapalan ng mukha ko nung I let Xianel send that hello message to Elijah eh.

From: LAYJ♥️

Good Morning.

Oh diba umaasenso na? Btw, I change his contact name to Layj kasi sabi niya, rare nickname daw niya yun at dad and mom lang niya ang tumatawag nun. Since medyo lasing ako kagabi (kahit acidic ako, pasaway parin.) , I told him that I will call him Layj starting from now. Buti at hindi siya tumanggi. Pero kahihiyan ko nanaman yun! Like goodness ang kapal pala ng mukha ko pag nakainom?

To: LAYJ♥️

Good Morning din! Kain tayo!🍳

SENT!

"Hala walanjong nilalang seryoso? Uminom si Bri kagabi?" Tanong ni Xianel na nakataas pa ang kilay kila Daphney na nagkukwento.

Hala sabi ko sakanila secret lang eh!

"Ate Xia, three shot lang ata yun tapos ang hyper na niya. Natamaan agad." Sabi naman ni Zoey kay Xianel. Anak ng teteng bakit nila ako sinumbong?

Our Scenarios: Written In The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon