2

27 0 0
                                    

Allison's POV

"WAHAHAHA! Eh bakit kasi kailangang lagi kang nagsusuklay ha Brianna?" Tumatawa kami ngayon habang sobrang inaasar ni ate Xianel at ate Aerin si ate Brianna na pulang pula na ang mukha sa inis sa dalawa. Maski pala ako nang aasar din.

Patago akong tumingin sa cellphone ko sa nag notif and it's TJ.

From: TJ❣️💘

Hello Alice! I'm cooking adobo right now and it taste so nice. Kung pwede ko lang sanang ipatikim sayo.

Napangiti nalang ako at humanap ng tiyamba na magreply sakanya because right now--

"Allison! Demo mo yung heart shaker ni ate Brianna dali!" Sabi ni ate Zoey. Idemo ko daw kung paano sayawin ni ate Brianna yung heart shaker ng twice.

Si ate Brianna kasi yung tipo na Hair is Life. Magulo na lahat, wag lang ang buhok niya.

And the step in heart shaker is something na magugulo talaga ang buhok mo kaya natawa agad ako sa sinabi ni ate Zoey.

"Ako nalang! Isanghagae!" Sabi ni ate Xianel sabay demo sa pagsayaw ng heartshaker na nakahawak yung isang kamay niya sa buhok niya para di magulo kaya nagtawanan ang lahat.

"BWAHAHAHAHAHAHAHA!" -Ate Aerin
"Hahahahahahahahahahaha"-mahinhin na pagtawa ni ate Brianna
"HAHAHAHAHAHAHA! WAHAHA! HAHAHAHA! HAHAAAA!" -Ate Xianel
"HIHIHAHAHA HIHIHAHAHA!" -Ate Piper

Maski mga lalaki ay nagtatawanan dahil sobra talagang nakakatawa pag si ate Xianel ang nag demo.

Habang nagtatawanan, tumunog ulit ang phone ko and thanks dahil wala namang nakapansin at tinuloy nila ang daldalang walang katapusan.

From: TJ❣️💘

How about you? What are you doing right now? Are you doing good? Happy? I wish that my girl is wearing her smile right now.

Napangiti naman kaagad ako sa sinabi ni TJ.

Walang may alam na kami ni TJ. Because I'm second to the youngest in squad tapos malalaman nila na may boyfriend na ako?

At magagalit sa akin sila ate Xianel, ate Aerin, Ate Brianna at Ate Piper oras na malaman nilang may boyfriend ako at baka isumbong din nila ako kay Daddy.

Ewan ko nga ang unfair nga eh kasi si Lynch wala silang pake kahit napakadami niyang lalaki samantalang ako na boyfriend bawal.

Kasi nasanay sila kay Lynch? Kasi ako yung mabait at panganay na anak ganun? Argh

Tumingin muna ako sakanila bago magreply. Pinicturan ko ang squad ng stolen at sinend iyon kay TJ.

To: TJ❣️💘

Masaya ako ngayon. Kasama ko kasi sila 😁 Have a good day to you and see you tomorrow♥️

SENT!

"hmmm Allison sino si TJ?" nanlaki ang mata ko sa pinakatsismosong nilalang na si kuya Chester na bigla nalang sumulpot yung mukha sa cellphone ko.

Halos mabitawan ko na din ang cellphone ko sa sobrang kaba at nagsiakyatan na din ang dugo ko sa mukha ko. Dead end.

"TJ? Tender Juicy!" Pambibida naman ni ate Aerin. Buti nalang at hindi seryoso si ate Aerin at ate Xianel ngayon. Kinakabahan ako.

Our Scenarios: Written In The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon