AIKEE'S POV
" Nakakahiya kayo!" Sigaw ko sa tatlo habang paakyat kung nasaan ang floor namin.
Kanina pa nila ako inaasar kay Vince. Hindi naman raw pala ako mabobokya sa lalaki dahil wala naman raw girlfriend. Mga baliw talaga!
" What?" Natatawang tanong ni Althea na nangunguna sa asaran." He's single, Aikee! What's the problem?"
" Althea's right. He's single and ready to mingle!" Si Charlene na ikinagulat ko ang ginawang pang-aasar sakin.
Tahimik kase talaga iyang babaeng iyan. Siya lagi ang tagapagitna saming tatlo pag nagkakainitan na. Bihira lang din siya kung makisali sa asaran. At gustong gusto ko siya sa tatlo. Ayoko kasing nasasaktan siya. Soft-hearted siyang tao.
At hindi ako papayag na may manakit sa kaniya.
" Aba! Cha? Sumama ka pa talaga?" I pouted.
Tumawa siya. " Tama naman kase! Feeling ko rin may gusto si Vince sayo!"
Inakbayan ako ni Queenie. " Tigilan niyo na nga si Aikee. Tara na." Bulong niya at hinila na ako. Nginisian ko naman ang dalawa na nakanguso pa samin.
Akala niyo ah? May kakampi ak--
" Tara! Ilalakad kita kay Vince! Hehe" si Queenie. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
Humagalpak sa tawa ang dalawang nasa likuran na sinabayan na rin ng katabi ko.
Argh! Bwisit!
Inis akong nagmartsa at iniwan sila roon. Tinawag pa nila ako pero hindi na ako lumingon. Dire-direstyo ang lakad ko sa floor namin. Nakakainis talaga yung tatlong yun!
Natanaw ko na rin naman ang room namin kaya't nagmadali na ako. Papasok na sana ako nang mabunggo ako sa isang bagay!
" Ouch!" Daing ko at hinawakan ang noo.
" I'm sorry." Malalim ang boses.
Kinabahan agad ako. Kahit di ko tingnan, alam ko na kung sino. Hinawakan niya ang ulo ko at bahagyang pinatunghay.
" Are you hurt?" Sinilip pa niya ako para matingnan..
Ang bilis ng tibok ng puso ko! Ano bang nangyayari sakin?
Iniwas ko ang mukha ko at ngumiti sa kaniya. "H-Hindi naman...uh."
" Let me see" aniya pa at hinawakan ang noo ko. Sinuri ito na parang may bukol kung makatingin siya.
Hindi nga diba? Dibdib mo lang naman iyong nauntugan ko! Sa tingin mo may sugat agad?
Naasiwa ako sa pwesto namin. Napansin niya iyon kaya bumaba ang tingin niya sakin. Halos panawan naman ako ng ulirat!
Tumikhim siya bago ako bitawan. Umayos siya ng tayo. " Hm, I'm sorry. Hindi kita napansin."
Umiling kaagad ako. " No..no! It's okay! Ako dapat e"
Umangat ang gilid ng labi niya at tumango. Ngumuso naman ako. " Okay, careful next time."
Tumango ako. " Thanks. Pasok na ako" tinuro ko pa ang loob.
Tumango siya kaya mabilis akong pumasok. Nilingon ko pa siya dahil akala ko'y may pupuntahan, ngunit pumasok na rin at bumalik sa upuan. Nakatitig siya sakin hanggang sa makaupo.
Kasunod niyang pumasok ay ang tatlo kong kaibigan na nakangisi na at nakakaloko ang itsura. Ngumuso ako at tumingin na lang sa labas. Para iwas sa tanong!
" May nakita ako! May nakita ako!" Paunang asar ni Althea na tumatalon-talon pa.
" Ako rin kaya!" Si Queenie.
BINABASA MO ANG
The Arrival [COMPLETED]
Mystery / ThrillerMasaya. Walang problema sa samahan. Iba man ang kulay, paniniwala at ugali pa yan. Walang problema sa kanila yan. Pero lahat ng ito ay nagbago. Simula ng mapadpad sila sa lugar na ito. Isang buong section na may magandang samahan ang makakatuklas ng...