CHAPTER 9

97 4 0
                                    

AIKEE'S POV

"Susunod ba tayo?" Si Althea matapos namin kumain.

Abala sina Ma'am Garcia sa pag-aayos ng gagawin namin mamaya. Para raw makalimutan namin yung nangyari, maghahanda raw siya ng palaro. Hindi na naman kami nakaangal dahil wala na yata kaming magagawa pa.

"Sa tingin niyo, pinayagan talaga tayo ng principal natin?" Si Danica.

Nanatili kami sa dining area kahit na tapos na kaming kumain. Gusto kong kausapin si Sheila ngunit tulala pa ito at mabuting kami na lang dalawa ang mag-uusap.

" Hindi ko alam. Wala pa namang nakakakita sa principal natin e." Si Charlene na tumingin pa sakin.

" Lalaki kaya siya or babae?" Si Ryan na nakaupo.

"Ikaw, Aikee? Hindi mo ba natanong sa Daddy mo?" Baling sakin ni Jareen.

Umiling ako. " Kahit sila, hindi pa siya nakikita. "

Totoo ang sinabi ni Charlene. Wala pa kahit isa samin ang nakakita sa aming Principal. Kahit na may mga program hindi siya dumadalo. Palagi lang siyang nagrerecord ng voice niya kung may announcement siya or may inaprubahan. Hindi ko talaga siya kilala.

" Ano? Yung tanong ko, kailan masasagot?" Si Althea na tumayo at tumabi sakin. " Susunod ba tayo mamaya?"

Tumango ako. " Susundin natin si Ma'am Garcia. Kailangan nating bantayan ang kilos niya." Mahinang sambit ko..

" May napapansin na talaga ako sa gurong iyan e." Si Atheena na katabi ni Mica.

" Tayo na, umalis tayo rito. Baka mapansin nila na nagtutumpukan tayo. " Si Queenie.

" Maghanda kayo mamaya. Kung ano man ang ipagagawa sa atin, walang hihiwalay. " Si Vince na tumayo at lumapit na sa pintuan. Tumingin siya sakin. " Dito lang muna ako." Saka siya lumabas.

Natulala pa ako. Nagpaalam ba siya sakin?

Sinundot ako ni Charlene, natatawa. " Nagpaalam sayo. Yieeee!"

Pinilig ko ang ulo ko at hinarap silang lahat. " Tama si Vince. Mag-ingat kayo. "

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon. Umalis na kami sa hapag. Ang iba ay lumabas at pumunta sa garden. Ang iba naman ay tumulong sa pagdidilig at kung ano pa. Tahimik ko silang pinagmamasdan. Bahagya akong natuwa na makitang ngumingiti na ulit sila. Panandaliang nakalimutan ang nangyari.

Nilibot ko ang tingin ko nang may maalala. Hinanap ko sa kanila ang babaeng kailangan kong makausap. Tiningnan ko si Ma'am Garcia na busy naman sa ginagawa. Nakita ko rin si Ma'am Reyes at Sir Dowell na nagkakasiyahan rin sa pag-aayos ng mga bulaklak.

Akala ko ba may matutunan kami rito? Bakit parang wala.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Mabilis akong pumasok sa loob at umakyat sa ikalawang palapag. Dito ang kwarto ni Sheila, nasisiguro ko.

Sinilip ko pa ang ibaba baka pumasok ang mga guro. Hindi nila ako pwedeng makita.

Huminga ako ng malalim at kinatok ang pintuan. Matagal pa bago ito buksan. Kumatok ulit ako.

" S-Sino iyan?" Boses ni Sheila!

Nilingon ko ang ibang kwarto. " Si Aikee to." Bulong ko sa pintuan.

Hindi pa ako nakakalayo ay bumukas agad iyon. Nangingilid ang luha ni Sheila nang makita ako.

" Sheila.." tawag ko.

Hinila niya ako papasok at natatarantang inilock ang pintuan. Nagtaka ako sa ikinilos niya.

" Ayos ka lang?" Lumapit siya sakin at umupo sa kama. Sumunod rin ako at umupo roon.

The Arrival [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon