AIKEE'S POV
Kumain muna kami ng tanghalian. Masaya ang lahat. Kaya ipinagkibit-balikat ko na lamang ang nararamdamang kakaiba.
Malawak talaga ang bahay na ito. Parang hindi nga siya bahay lang. Kulang yata ang ilang oras para malibot ito. Pansin rin ang pagiging luma ngunit halata namang naalagaan.
" Ma'am, Sino pong nag-aalaga sa bahay?" Si Joshua na nakaupo sa umuugang upuan. Yung pang matanda? Basta.
Nakaupo kaming lahat sa salas. Nilingon ko ang taas at sa hula ko, hanggang limang palapag iyon. Nakakatakot tingnan ngunit marami naman kami kaya ayos lang. Nagulat pa kami ng sobrang lawak talaga nito sa loob! Tila museum! May ibat-ibang mukha ng mga bayani ang mga dingding.
Thirty students lang ang bawat section. Bale, thirty-four kami na pumunta rito. Ang tatlong guro at ang isang driver.
" Si Nana Sela. " Simpleng sagot niya.
Alam ko na kung sino yung tinutukoy niya. Yun yata yung nakausap ko kanina sa may gate.
Tahimik akong lumabas sa may double doors. Sinilip ko pa siya at nagkakatuwaan na sila. Sinagot ko ang tawag.
" Mommy.."
Huminga siya ng malalim. " Andyan na kayo?"
" Opo, Mom."
" Nakausap ko ang Daddy mo." Nangunot ang noo ko." Hindi raw yan alam ng ibang teachers, nagtaka ang mga estudyante ng nakasarado ang classroom niyo. Aikee Miracle, sigurado ka ba na field trip talaga yan?" May paghihinala sa tono ni Mommy.
Lalo akong nagulat. Paanong hindi alam?
"Opo naman! Si Ma'am Garcia po ang kasama namin at dalawa pang guro."
Natigilan siya sa sinabi ko." Wait! Saang lugar yan?!"
" Bataan, Mom. W-Why?"
" Oh my gosh! Bataan? Nasaan kayo?" Naghihisterya na si Mommy sa kabilang linya. Lalo akong naguluhan sa kaniyang inaasta.
Magsasalita na sana ako nang may humigit sa cellphone ko. Agad ko itong nilingon at seryosong mukha ni Ma'am Garcia ang nakatingin sakin.
" Sinong kausap mo?" Mariing tanong niya at pinatay ang tawag.
Kumunot ang noo ko. " Si Mommy po."
Ngumiti siya. " I forgot. Cellphones are not allowed, dear." Saka niya ako tinalikuran at pumasok sa loob.
Napalunok ako. Tiningnan ko siya at pumunta agad siya sa mga kaklase ko na busy sa pagseselfie. Sumunod ako sa loob.
" Students, I'm so sorry. Cellphones are not allowed. Magfofocus tayo dito. " Nakangiting sambit ni Ma'am.
" Why, Ma'am Garcia?" Tanong ni Sir Dowell na nakatayo pala malapit sa may pintuan.
Tiningnan siya ni Ma'am. " Para hindi sila puro cellphone sa buong araw."
Umiling si Sir. " Tatawag ang mga parents nila. Mag-aalala ang mga iyon kung hindi masasagot ng mga anak nila."
Nawala ang ngiti ni Ma'am Garcia. " You're right. But I'm sorry. Ako ang masusunod."
Hindi nakapagsalita si Sir. Mariin ang tinging ibinigay ni Ma'am bago bumaling samin.
" Students, cellphones." Inilahad niya pa ang kamay.
" Ma'am. Tama po si Sir."
" Ma'am, bakit po?"
" Pano po kami makakapag picture?"
BINABASA MO ANG
The Arrival [COMPLETED]
Tajemnica / ThrillerMasaya. Walang problema sa samahan. Iba man ang kulay, paniniwala at ugali pa yan. Walang problema sa kanila yan. Pero lahat ng ito ay nagbago. Simula ng mapadpad sila sa lugar na ito. Isang buong section na may magandang samahan ang makakatuklas ng...