CHAPTER 17

89 4 1
                                    

AIKEE'S POV

Mabilis akong bumaba ng hagdanan. Wala na akong pakialam kung mahuli man ako nila Ma'am Garcia! Bahala na!

Peste! Ang haba-haba ng hagdan na ito. At nakakainis pa, dahil galing ako sa ikalimang palapag!

Oh great! Bwisittt!

Ilang minuto rin ang ginugol ko makalabas lang ng bahay na iyon. Sinuyod ko ang buong garden at ni anino ni Nana Sela hindi ko nakita. Unikot ko ang buong mansion. Tanging ang mataas na pader ang aking nakikita. Inis akong napasapo sa noo.

Asan na yun? Hindi siya pwedeng makaalis!

"Ako ba ang hinahanap mo, Hija?"

Nanlamig ako sa nagsalita sa bandang likuran ko. Pumihit ako paharap at halos mapadasal ako nang nasa harap ko na ang kanina ko pang hinahanap.

"Nana Sela..." Pabulong kong sambit.

Nilagay niya ang magkabilang kamay sa likuran at ngumiti sakin.

"Bakit? Anong kailangan mo?"

Tinitigan ko siya. Namiss ko bigla si Nay Merlie sa katauhan niya. Tumikhim siya kaya iniwas ko ang tingin ko.

"Nana.. kailangan po namin ng tulong niyo.." marahang sambit ko.

Walang nagbago sa itsura niya. Parang wala akong kakaiba na sinabi.

"Anong maitutulong ko? May nangyari ba?"

"May nangyayari samin sa lugar na ito. Kaya wag na ho kayong magmaang-maangan!" Inis na sambit ko.

Umiling siya. "Hindi ko alam ang sinasabi mo, Hija. Pasensya na." Saka siya tumalikod. Mabilis akong humabol.

"Maawa na ho kayo. Tulungan niyo kaming makalabas." Halos magmakaawa na ako.

Hindi man lang siya umibo, nanatiling nakatalikod sakin.

"Pangalawang araw pa lang namin. Pito na ang namatay. Pinatay ho sila. Ginagawa nila kaming l-laruan. Please help us, Nana.." hindi ko na napigilan. Sa tuwing naiisip ko ang sinapit ng mga kaklase ko para akong nauubusan ng lakas.

Huminga ito ng malalim ngunit ganon pa rin ang ayos.

"May anak rin kayo. May apo, nakakaya niyo ho bang magbulag-bulagan na lang? Gayong pwede niyo kaming tulungan? Kailangan naming makaalis! Bago pa kami maubos. Pakiusap na ho. T-Tulungan niyo kami."

"Mabait ang apo ko.." marahang aniya. Tila pinipigilan ang namumuong luha base sa boses niya. Humarap siya sakin.

"Hindi siya masamang tao. Kaya, halos atakehin ako nang malaman ko itong ginagawa niya sa inyo."

Nanlaki ang mga mata ko. So may alam nga siya? Umpisa pa lang? Planado ba ang lahat ng ito?

"Nung una, akala ko may gagawin talaga kayo dito. Ngunit nang nalaman kong may pinatay sa inyo. Doon ko napatunayang..may sadya siya sa inyo.."

"At ano ho iyon? Ang patayin kaming lahat? "

Umiling ang matanda. " Hindi ko alam."

Hinawakan ko ang kaniyang kulubot na kamay. "Maawa na ho kayo. Tulungan niyo kami."

"Mabait ang apo ko. Alam kong may dahilan siya bakit niya ito ginagawa. Mapait ang pinagdaanan niya at hindi ko siya masisisi dahil doon." Nangunot ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan.

"Anong ibig niyong sabihin?"

Malungkot siyang ngumiti sakin. "Matagal kaming nagkawalay. Marami akong pagkukulang sa kaniya. At ito na lang ang maitutulong ko sa kaniya. Ito na lang. Sana maintindihan mo."

The Arrival [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon