Hi! Patapos na po ito! Ilang chapters na lang! Thank you!
AIKEE'S POV
Gaya ng inaasahan ko hindi ako pinansin nina Althea at Queenie. Tanging si Charlene lamang ang lumalapit at kumakausap sa'kin. Tahimik kami sa hapag, wala ang tatlong guro at hindi ko alam kung nasaan sila. Hapon na at wala pa namang kakaibang nangyayari.
Tumayo si Kenneth bitbit ang pitsel na may lamang juice at nagulat kaming lahat nang salinan niya sa baso si Althea. Namula ang pisngi ng kaibigan ko, tumaas naman ang kilay ko. Kahit galit siya sa'kin ngayon, masaya ako dahil mukhang nagkakamabutihan sila nitong si Kenneth.
" Ano? Wala ba tayong gagawin?" Binasag ni Benj ang katahimikan.
" Oo nga, mas magandang magplano rito. Dahil, wala sila." Si Ryan na parang tamad na tamad sa pagkain. Sabagay, sino nga namang gaganahan pag ganito ang nangyayari?
" Hindi puwede. Hindi natin alam kung sino 'yung nakamaskara ngayon. " Mariing ani Melanie.
Napatingin ako kay Vince na tahimik lang na nakain. Kung pagmamasdan mo siya ay hindi mo talaga paghihinalaan na kasama siya sa mga iyon.
" Aikee, anong plano mo?" Gulat akong napatingin sa nagtanong na si Andrey.
Napatingin silang lahat sa'kin. Nangunot ang noo nila nang wala akong maisagot. Tumikhim si Jareen.
" Don't tell me, we're not doing anything? Don't you have a plans?" Maarteng aniya.
Umiwas ako ng tingin at nagtama ang paningin namin ni Althea. Umiiling lang siya at nagpatuloy sa pagkain.
Sasabihin ko na sana na may plano si Vince ngunit halos masapo ko ang noo na maalalang hindi ko puwedeng sabihin! Muntikan na.
" Ako na ang bahala roon." Sambit ko.
Nakahinga sila ng maluwag. Agaran ang pag-angat ng tingin sa'kin ni Vince. Nginitian ko siya ngunit seryoso lang siyang tumango sa'kin.
" Psh! Okay. Siguraduhin mo lang na makakalabas tayo." Mariing aniya.
Nangunot ang noo ko. " Why don't you try to make your own plans? Baka roon, sakaling makatulong ka. You're smart right? So use it. Instead of using your damn mouth. Try mo naman 'yung may pakinabang. Naririndi na ako sa'yo, Jareen."
Natahimik siya at napalunok. Tinarayan niya pa muna ako bago nagpatuloy sa pagkain. Hinawakan naman ako ni Charlene sa braso. Tiningnan ko siya at nakangiti na siya sa'kin ngayon. Ngumiti rin sa'kin si Althea ngunit natawa ako nang bigla siyang sumimangot na maalalang galit siya sa'kin.
Marupok ka, Althea. Alam ko 'yan.
" Tapos na ako. " Sambit ko at tumayo na. Nagulat sila sa ginawa ko at napatingin kay Jareen.
" Oh bakit ako?" Maarteng aniya pa.
Narinig ko pa ang mga sinabi nila kay Jareen. Nailing na lang ako at umakyat na sa taas. May kailangan akong gawin. Tinungo ko ang kwarto ni Ma'am Garcia. Dahan-dahan ang paglalakad ko sa takot na baka may makahuli sa'kin.
Hindi ko alam ang plano ni Vince. Hindi niya sinabi sa'kin. Ngunit kung ano man 'yun, magtitiwala ako. At kailangan ko ring gawin ang mga naiisip kong makakatulong.
Kung hindi kami kikilos, mauubos kami. At kung ano man ang plano nila sa'min hindi ko alam, kailangan namin silang maunahan.
Nang makarating ako sa kwarto ni Ma'am Garcia, tumigil muna ako saglit. Tumingin ako sa magkabilang gilid bago pinihit ang pintuan. Sinilip ko ang loob at walang bakas ni Ma'am Garcia roon. Dahan-dahan akong pumasok at sinara ang pintuan.
BINABASA MO ANG
The Arrival [COMPLETED]
Mystery / ThrillerMasaya. Walang problema sa samahan. Iba man ang kulay, paniniwala at ugali pa yan. Walang problema sa kanila yan. Pero lahat ng ito ay nagbago. Simula ng mapadpad sila sa lugar na ito. Isang buong section na may magandang samahan ang makakatuklas ng...