CHAPTER 21

103 4 1
                                    

AIKEE'S POV

Nanatili ang tingin ko kay Vince. Hinuhuli ang kaniyang mga mata ngunit sadya niyang iniiwasan ang akin. Tumungo siya sa kaibigang si Andrey. May tinanong iyon at sumagot naman siya.

Yumuko ako. Sadyang hindi makapaniwala na kaya niya iyong gawin sa'min. Pilit kong siniksik sa utak ko na baka nagkakamali lang ako. Na baka hindi siya. Na baka kaparehas lang niya ng mga mata. Pero sinong niloloko ko? Alam kong siya yun at pinatunayan niya pa ngayon.

Yung babae ang kailangan kong malaman. Isa sa kanilang dalawa. Nilingon ko ang dalawa kong kaibigan. Gulat na gulat si Althea habang nakatingin sa dalawang nakahandusay. Panay naman ang pag-iyak ni Charlene na inalalayan ni Queenie. Napailing ako at inayos ang tayo.

Mahirap mangbintang, lalo na pag malapit sila sayo.

" Saan kayo galing?" Mariing tanong ni Benj na nakatingin kina Vince at Kenneth.

Tumingin si Kenneth kay Vince bago sumagot. " Magkasama kami ni Vince, inayos namin ang katawan nung tatlo.."

Hindi na nagsalita si Benj, kontento na sa sinagot ng kausap. Mariin ang tingin sa kaniya ni Vince.

Nakarinig kami ng mabibilis na yabag papunta kung nasaan kami. Napatingin kaming lahat roon at bumungad samin ang tatlong guro.

Inayos ni Ma'am Garcia ang suot niyang roba bago nagmamadaling bumaba patungo samin.

" What happened? Why are you all here?!" Sigaw niya samin. Walang sino man ang nagsalita. Taka siyang tumingin samin bago niya pa nakita kung bakit kami naroon.

Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata niya at pagtakip niya sa kaniyang bibig. Nagtaka ako bakit ganon ang reaksyon niya kung gusto niya naman itong nangyayari sa'min!

Sabagay, magaling umarte ang mga sinungaling.

" M-My gosh. " Nanginginig na bulalas niya.

" Masaya na ho ba kayo?!" Umalingawngaw ang galit na sigaw ni Benj na akma sanang susugurin si Ma'am Garcia ngunit napigilan ni Mark at Ryan.

Tiningnan lang siya ni Ma'am Garcia habang isa-isang tumulo ang luha.

" Pinatay niyo sila! At alam niyo bang bukod sa dalawa, tatlo pa ang katawang naroon sa loob?! Lahat sila ngayong gabi pinatay!" Nanggagalaiting sambit ni Benj.

Alam ko ang nararamdaman niya dahil sunod-sunod ang pagpatay sa kaniyang mga kaibigan. Sobrang sakit.

" Bakit niyo ginagawa ito sa'min?!"

" Benj, tama na.." mahinahong tawag ni Melanie.

Tiningnan siya nito at inilingan. " Hindi! Anong tama na? Sa kanila dapat sabihin iyan!" Lumingon ulit siya sa nanghihinang si Ma'am Garcia. "Bakit ganiyan ang mga reaksyon niyo? Dapat tumatawa na kayo kase paubos na kami! Paubos na. K-Kaya tama na. Tama na, M-Ma'am.."

Nanghina ako nang makita ang pagbuhos ng luha ni Benj. Tila hindi niya na kinaya at ngayon lang niya nailabas ang mga luha. Umiyak na rin ang mga kaibigan niya, hanggang sa halos lahat ay umiiyak na rin.

Nilingon ko si Ma'am Garcia, panay ang kaniyang pag-iling habang umiiyak na rin. Nasulyapan ko si Ma'am Reyes na seryosong nakatingin sa kung saan. Taka kong tiningnan rin iyon at nagulat ako nang nakatingin siya sa hindi ko malaman kung kay Althea, Queenie o Charlene.

Bakit siya nakatingin sa mga kaibigan ko?

I looked at her again. Nagtama ang paningin namin at agad siyang ngumiti sakin. Hindi ako nakaganti at seryoso lang siyang tiningnan.

The Arrival [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon