AIKEE'S POV
Ilang sandali pa akong nakatitig sa kanilang mga kwarto bago ko napagpasiyahang pumasok na sa loob.
Tahimik kong sinarado ang pintuan ngunit isang kamay ang nagtakip sa aking bibig. Namilog ang mga mata ko at hinawakan ang kamay niyang nasa bibig ko!
Magaspang ito at panlalaki. Hinila niya ako papunta sa aking kama. Nagpumiglas ako at paulit-ulit na tinankang alisin ang kamay niya.
"Shh, quiet." He whispered. Dahan-dahan akong nag relax nang makilala kung sino ang nasa likod ko.
Inupo niya ako sa kama saka niya inalis ang kamay niya sa akin. Hinarap niya ako at naupo rin. Matalim ko siyang tiningnan.
"Anong ginagawa mo rito?" Mariing tanong ko.
He sighed and looked at me intently. "Aikee.."
Umiwas ako ng tingin. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang panginginig non.
Ngayong nasa harap ko na siya, gusto kong tanungin kung bakit? Kung bakit siya naroon, Kung bakit niya nagawa iyon? Ano ang dahilan nila, paano nila nagawa iyon. Ngunit hindi ko na maisatinig. Nasasaktan ako. Aminin ko man o hindi, hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap kasi alam kong may nararamdaman ako. Sa kaniya.
"How could you do this to us?" Marahan na tanong ko. Nawala ang kaninang galit ko. Para akong nanghihina.
Malalim ang buntong hiningang pinakawalan niya. Hindi siya nagsalita.
"All this time, alam mo kung sino ang gumagawa nito. Alam mo..pero bakit hinayaan mo pa rin?" Tiningnan ko na siya. Malalim ang tingin niya sa 'kin. "Paano mo nagawa sa'min to? Paano, Vince?" Nangilid ang luha ko.
"Tatanggapin ko lahat ng sasabihin mo." Aniya, tila nag-iingat sa'kin. Nakagat ko ang labi ko. Naiinis sa kaniya. 'Yon lang ang sasabihin niya?
"Kasabwat ka? O ikaw mismo ang gumagawa? Anong sunod niyong gagawin? Ang ubusin kami?!" Tumayo ako sa sobrang galit na nararamdaman ko.
Alerto siyang tumayo rin at sinulyapan ang pintuan, saka siya nagmamakaawang tumingin sa akin.
"Lower your voice, please.."
Mangha ko siyang tiningnan. "Why?! Kasi baka marinig nila ang plano niyo? Manloloko ka! Pinagkatiwalaan kita! Sinabi ko pa sa'yo ang mga kutob ko! Pero ikaw lang pala. Kaharap lang pala kita!"
Lumapit siya kaya agaran ang pag-atras ko. Napansin niya iyon, kitang-kita ko ang pagdaan ng sakit sa kaniyang mga mata.
"Bakit ka nandito?! Ako ba ang isusunod niyo?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko.
Nagulat siya at umiling kaagad. "Of course not, Aikee. I won't let that happen." Tila nahihirapang saad niya. "Please, don't be hard on me." He whispered.
"Sa tingin mo maniniwala pa ako?" Nanginig ang labi ko. "Ang dami ng namatay, ang dami niyo ng pinatay. Iilan na lang kami. Alam mo ba kung gaano kasakit na wala akong magawa? Na sa mismong harap ko sila binabawian ng buhay, na naroon lang ako, nakatayo.. walang magawa."
Narinig ko ang malutong niyang pagmumura nang tumulo ang luha ko. Tiningnan ko siya. "Alam mo ba kung gaano kasakit na traidurin at lokohin ng taong malapit sa 'yo? Sana pala hindi ka nagpakita sa 'kin kanina! Sana hindi ko nakita 'yong mga mata mo! Para hindi ganito k-kasakit..para hindi ko maramdaman ito."
Umiling siya at mabilis na nakalapit sa'kin. Hindi ko iyon napaghandaan kaya hindi ako nakakilos. Mabilis niya akong nahila at sa isang iglap, nakakulong na ako sa mga bisig niya.
Mahigpit ang yakap niya sa'kin, na para bang makakawala ako kapag hindi niya iyon ginawa. Hinayaan ko siyang gawin iyon. Nanghihina ako sa lahat ng sinabi ko.
BINABASA MO ANG
The Arrival [COMPLETED]
Mystery / ThrillerMasaya. Walang problema sa samahan. Iba man ang kulay, paniniwala at ugali pa yan. Walang problema sa kanila yan. Pero lahat ng ito ay nagbago. Simula ng mapadpad sila sa lugar na ito. Isang buong section na may magandang samahan ang makakatuklas ng...