AIKEE'S POV
"Paano?" Hindi alam ni Kenneth ang uunahin. Lumakad siya kina Caren tapos lalapit ulit sakin.
" Naglalakad kami nang bumagsak siya mula sa kwarto.." sabi ko.
" This is crazy! Kailangan na nating umalis dito!" Si Ryan na lumapit sakin.
" Paano tayo makaalis? Malaki ang Casa na ito at sarado ang daan?" Naguguluhang sabi ni Fatima.
" Mali talagang sumama tayo rito!" Si Andrey.
Nilingon siya ni Ryan. " Bakit, hindi ba kayo ang may gusto na matuloy ito?"
" B-Bakit nangyayari satin to?" Umiiyak na sambit ni Mica habang inalalayan si Maurine na walang tigil ang pag-iyak.
" Ang dami ng namatay.." si Jareen na tulala pa rin sa katawan ni Caren.
" Ikaw! Diba ikaw ang nagpumilit na sumama dito?" Galit na sigaw sa kaniya ni Ryan.
Gulat na napatingin si Jareen dito. "Pero, hindi ko alam na magkakaganito."
Sarkastikong tumawa ang lalaki. "Baka naman, ikaw talaga ang may kagagawan nito?"
" Hindi ko magagawa yan! What the hell, Ryan?!"
Pumagitna si Melanie at Mark. " Tama na! Ano ba, Ryan?"
" Magagawa mo yung kung talagang may galit ka samin!" Hindi nagpaawat ito.
Lalong bumuhos ang luha ni Jareen. "How dare you?! H-Hindi ako.." nilapitan agad siya ni Alyssa at Mendy.
" Tama na, wag niyo siyang sisihin!" Sigaw ni Mendy. " Pwede naman kayong magpaiwan! Bakit sinisisi niyo siya?"
Napapikit na lamang ako. Sumasakit na ang ulo ko at heto sila nagtatalo pa.
" Napakababaw ng dahilan mo. Para sisihin ako." Mariing sinabi ni Jareen kahit umiiyak pa rin.
Tinarayan lang siya nito. "Sa tindi ng galit mo samin, lalo na kay Aikee. Posible ang sinasabi ko."
Nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Napatingin sakin si Jareen. Kitang-kita ko ang panginginig ng labi niya at ang mabilis na pag-iling.
" Tama na. Wala ng magagawa ang pagsisisihan natin! Patay na sila. Hindi niyo na yun mababalik!" Awat ko sa dalawa. Natahimik silang pareho. "Nandito na tayo...wala ng magagawa yan kung magsisisihan tayo. Ang kailangan nating gawin, magtulungan para makaligtas..at makatakas dito."
Napayuko ang iba at sa ayos palang ng mga balikat nila. Alam ko na agad na umiiyak sila. Nilapitan ko ang katawan nila Caren at Atheena. Mabilis akong pumikit at nag-alay ng panalangin. Bago ko kinuha ang kumot sa kama at nilagyan sila pareho.
" Tara na. Magsimula na tayo." Sambit ko at lalabas na sana nang makarinig kami ng isang napakalakas na sigaw!
Damn it!
Nagkatinginan kami ni Queenie. Nagmumula ang sigaw sa itaas! Nilibot ko ang paningin ko sa loob. Wala dito sina Charlene at Althea!
" Putangina! Ano na naman yon?!" Si Kenneth na agad nataranta.
Hindi ko na sila hinintay. Mabilis akong umakyat sa hagdan hawak ang flashlight. Nagkandarapa na ako ngunit hindi ko na iyon ininda. Nilingon ko agad sila na nakasunod sakin!
Peste! Ang haba ng hakdan na ito!
Nang makarating, inilawan ko agad ang daan at ang mga saradong kwarto. Agad na nakita ko ang Group 4! Pangkat nila Benj!
Naroon sila sa pinakadulo! At ang huling kwarto. Nasa labas sila at hindi pumapasok sa loob. Nagtaka naman ako. Rinig ang hikbi ng ilan kaya lalo akong kinabahan.
Please. Wag naman sana!
Tumigil ako sa likuran nila. Hinawi ko ang mga babae at pinilit na dumaan.
" Anong nangyari?" Tanong ko nang nasa may pinto.
" Si R-Reinier.." mahinang ani Xyriel.
Agad akong pumasok sa loob ng kwarto. Napatakip ako ng bibig nang makita ang kawalanghiyang ginawa kay Reinier!
Lumingon sakin si Benj na nakatiim ang bagang. Pulang-pula ang mga mata niya, sa pagpipigil ng luha.
" Aikee..." Mahinang tawag niya. " Hindi ko siya..naabutan.."
" Nakita mo siya?" Tukoy ko sa misteryosong taong yun.
Tumango siya. " Kitang-kita ko siya! Magkasama kami ni Reinier dito! Tumalikod lang ako para m-maghanap..paglingon ko.. patay na siya.." lumuhod siya at umiyak.
Yumuko ako at halos hindi matingnan ang katawan ni Reinier. Gaya ng mga nauna, laslas ang lalamunan niya. May saksak sa tiyan na parang galit na galit siya rito dahil sa dami ng saksak na natamo. Ang kaniyang kaliwang kamay ay nakatakip sa bibig niya. Nagkalat ang dugo niya sa sahig.
" Saan mo siya nakita?"
" Tumalon siya sa b-bintana. " Lumingon siya sakin. " Pero nang makita ko siya, hawak niya pa si Reinier. Natigilan lang ako ng ilang sandali, pagtingin ko nasa may bintana na siya. Aikee, hindi ko maipaliwanag...ang bilis niya gumalaw!"
" Nakilala mo ba?"
Umiling siya at tumayo. " Madilim. Nabitawan ko yung flashlight. Pero,..parang lalaki siya. " Nakatitig siya sakin nang sabihin niya iyon.
Maingay na sa labas ng kwarto. Nilingon ko iyon at naroon na ang lahat ng group. Nagtama ang paningin namin ni Althea. Umiiyak siya yakap si Queenie. Nagsipasok ang iba naming kaklase at gaya kanina, walang tigil silang umiyak.
" Tabunan mo ang katawan niya." Malalim ang boses na utos ni Vince na katabi ko na pala.
" Saan kayo galing?" Tanong ko.
Lumingon siya sakin. " Nakita ko na ang flag. "
Nanlaki ang mga mata ko. " San mo nakita?"
" Ikalimang palapag." Tumango ako. "Sabay-sabay nating bubuksan. Walang hihiwalay." Mariing aniya.
Tumango ulit ako. " Alam mo na ba nangyari sa iba pa?"
Hinawakan niya ang bewang ko at hinaplos iyon. "Yeah."
Huminga ako ng malalim. Pinipigilan ang pagbuhos ng luha. Hindi ko alam bakit ngayon lang ako nanghina. Ngayong katabi ko na siya.
"Patay na sila.." mahinang sabi ko.
Humigpit ang hawak niya. Hinalikan niya ang ulo ko. Hindi siya nagsalita.
"R-Reinier?" Natigilan kami nang pumasok si Mica.
Napapikit na lamang ako. Boyfriend ni Mica si Reinier. Sobrang sakit nito para sa kaniya. Hinawi niya sina Benj na nakaharang roon.
" Ohh..Renier. " gulat na sambit ni Mica nang makita ang sinapit nito. Napaupo ito at bumuhos ang luha. "No!! Reinier! Gising!" Hinawakan niya ang kamay nitong punong-puno ng dugo.
Yumuko ako at bumuhos na rin ang luha. Nag-iyakan na rin ang iba na nanonood sa umiiyak at nagmamakaawang si Mica. Nilapitan siya nina Danica at niyakap. Pinipilit namang itayo ni Kenneth ang babae.
Nilingon ko ang mga kaibigan ko. Nagtaka ako nang nakatulala si Althea habang yakap ni Queenie. Sinilip ko ang likod nila. Nasaan si Charlene?
" Wait lang. " Bulong ko kay Vince at kumawala sa hawak niya.
" Where are you going?"
" Diyan lang.." hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at lumakad na ako palabas. " Asan si Charlene?"
Lumingon si Queenie. "Ay oo nga. Althea, si Charlene?" Baling niya kay Althea.
Kinabahan ako. Hindi pwede! Hindi ko kakayanin kapag nawala si Charlene. Agad akong lumingon sa mga kaklase kong nasa loob.
" Asan si Charlene?!" Kinakabahang sigaw ko.
Napalingon ang lahat sakin at nilibot ang tingin sa iba. Napapikit ako sa inis at tumalikod na para umakyat sa itaas at hanapin ang kaibigan ko!
" Oh..Aikee?" Si Charlene na nasa likod nina Althea.
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis siyang niyakap. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko alam ang gagawin ko pag sila ang nawala.
BINABASA MO ANG
The Arrival [COMPLETED]
Mystery / ThrillerMasaya. Walang problema sa samahan. Iba man ang kulay, paniniwala at ugali pa yan. Walang problema sa kanila yan. Pero lahat ng ito ay nagbago. Simula ng mapadpad sila sa lugar na ito. Isang buong section na may magandang samahan ang makakatuklas ng...