CHAPTER 6

115 4 0
                                    

AIKEE'S POV

Nagpaalam ako kay Mommy, kinaumagahan noon. Sinikap ko talagang magising ng maaga para lang maabutan siya.

Tumingin sakin si Mommy pagkatapos kong sabihin ang sadya ko.

"Alright. Magdala ka ng mga kailangan mo. Mga damit at pagkain. Puntahan mo ko sa kwarto mamaya para mabigyan kita ng baon. Wait, magkano nga pala ang bayad?"

Nagtaka rin ako dahil walang nasabi si Ma'am Garcia. Siguro mamaya pa sasabihin.

" Hindi ko pa po alam."

Tumango siya at tumayo na sa hapag. " Sige. Bibigyan na lang kita pag-uwi ko. Magpaalam ka rin sa Daddy mo."

" Yes, Mom"

Hinalikan niya ako sa ulo at kinuha na ang bag. " Okay. Una na ako. Take care, honey. "

Nalaman rin naman namin kung magkano ang bayad. Bahagya pa nga akong nagulat dahil parang ang mura lang, gayong malayo at isang linggo kami roon.

Lahat kami ay pinayagan. Lumipas ang buong araw at ngayon na ang field trip namin. Nakapagpaalam na rin ako kay Daddy kahit na medyo nagtaka siya sa sinabi ko.

" May field trip kayo?" Ito ang sinagot niya matapos kong magpaalam.

" Yes, Dad." Takang sagot ko.

" Bakit parang wala kaming alam?"

" Po? Kami laang raw po'ng G10-Hertz ang kasama.."

Lalo pa siyang nagulat. " What subject?"

" History po."

Matagal pa siya bago nakabawi at nagsalita. " A-Alright. I'll call you, and you need to answer, Aikee."

Tumango ako. Lumapit pa siya sakin at hinalikan ako sa noo. " Did you tell about these to your, Mom? "

" Yes, Dad"

" Do you really need to join?"

Nangunot ang noo ko. " Of course, Dad. Don't worry, i can take care of myself."

Huminga siya ng malalim. " Okay. Mag-iingat kayo. Lalo ka na." Mariing sabi niya.

Pinilig ko ang ulo ko at bumaba na sa sasakyan. Hinatid ako ni Mang Nor. Alas tres pa lang ng umaga ay naghahanda na ako. Pinuntahan agad ako ni Mommy para bigyan ng pera at ihatid sa labas. Nag-aalala siya, sinabi niya pa'ng tatawagan niya ako maya't-maya.

Nakasukbit sa likod ko ang isang malaking bag. Naka tee shirt ako na kulay black at nakapants. Pinuyod ko ng mataas ang buhok ko at hinayaan ang bangs na nakalaylay.

Sinabi ni Ma'am Garcia na kailangan four o'clock ay nasa labas na kami ng school. Nagtaka naman kami kase sa labas ang hintayan.

Agad na nakita ko ang isang may katamtamang laki ng bus ang nakaparada roon. May mangilan-ngilan ng mga kaklase ko ang nasa labas at excited na nag-uusap usap.

" Aikee!" Sigaw ni Althea.

Nagtinginan sakin lahat. Nahiya naman ako. Ngunit pinanatili kong seryoso ang tingin ko. Nakalapit ako sa kanila. Nagtama ang paningin namin ni Jareen na nakasuot ng skirt at may isang malaking bag na nakalapag sa baba.

Inirapan niya lang ako. Inalis ko rin ang tingin sa kanila at hinarap ang dalawa.

" Asan si Charlene?" Tanong ko.

" Papunta na raw." Si Queenie.

" Astig naman ng suot mo, may gera?" Pang-aasar ni Althea.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya ngumuso agad siya. " Galit agad?" Bulong niya pa na hindi ko na pinansin.

The Arrival [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon