Hey there! Last chapter na po ito!Epilogue na po ang next! I'm so happy!
Chapter 27
AIKEE'S POV
Tahimik kong pinagmamasdan ang repleksyon ko sa salamin. Hinaplos ko ang buhok ko at wala sa sariling napangiti.
Dalawang linggo na mula noong nakauwi kami at nangyari ang isang bangungot sa'min.
Bumaba kami ng bus nang buksan ng isang pulis ang pintuan. Gulat siyang napatingin sa'min habang may hawak na flashlight.
"May mga bata dito!" Sigaw niya agad at pumasok sa loob. Inalalayan niyang makatayo si Kenneth at inakay pababa. Kasunod niya ang mga nurse at tinulungan naman si Andrey. Dinala sila sa ambulance.
Bumaba kami ng bus, mabilis kong pinalis ang luha ko at nilingon ang bagong dating na sasakyan.
" Tumuloy kayo roon." Sambit ng isang may katandaang pulis.
" Sir, may mga kaklase pa po kami roon!" Sambit ni Jareen.
Mabilis silang kumilos at sumakay sa mobile. Apat na sasakyan ang dumiretsyo roon. Napatingin ako at umaasang makikita ko sila mula sa kinatatayuan ko.
"Miracle?!"
Agaran ang paglingon ko sa tumawag sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko nang umiiyak na lumapit sa'kin si Mommy at sa likod niya si Daddy na kausap na 'yung pulis kanina.
" Mom!" Sigaw at sinalubong siya.
Mahigit ang yakap niya sa'kin. Ramdam ko ang paghagulhol niya habang hinahaplos ang buhok ko.
" Oh my goodness! M-Miracle, anak!" Patuloy ang paghaplos niya.
" Mom, I'm okay. It's okay.." pag-aalu ko habang tumutulo ang luha. Sandali kong pinikit ang mga mata para maramdaman ang init ng yakap niya.
"You okay? May masakit ba sa'yo? Anong nangyari? Bakit kayo lang?" Tarantang aniya.
Hindi ako nakasagot at napatingin kay Daddy. Gustuhin ko mang magalit sa kaniya. Sa lahat ng ginawa niya. Kay Mommy. At kay Ma'am Grace. Ngunit, Daddy ko pa rin siya.
" Baby.." bulong niya habang nakatingin sa'kin.
I bit my lower lip. " D-Dad."
He sighed and pulled me for a hug. Mahigpit rin ang yakap niya sa'kin.
"I'm sorry. This is all my fault. I'm sorry.." he whispered.
Bumuhos ang luha ko at niyakap na rin siya pabalik. Napatingin ako sa mga bagong sasakyan na nagsidatingan na rin. Nandito na rin ang mga magulang ng mga kaibigan ko.
Kumalas ako ng yakap. Tinitigan niya ako habang hinahaplos ang mukha ko.
"I'm glad you're safe, anak. " Sabi niya, naluluha.
"Thanks to Him." I said. He just smiled.
"Hala! Mommy!" Sigaw ni Althea na nakaagaw ng atensyon namin.
Mabilis siyang tumakbo at niyakap si Tita. Umiiyak ang kaniyang Mommy habang yakap siya.
"Sabi ko na sa'yo, huwag ka ng sumama. W-Walang magandang nangyari." Sambit ng Mommy niya.
Ngumuso si Althea. " Meron, Mom!"
" Oh ano ah? Halos kayo na lang ang natira, jusko!"
" Na-crushback ako, Mom." Nguso niya kaya naman binatukan siya ng ina. Tumawa ako at ang iba pa.
"Gaga ka! Nasa panganib na kayo, iyan pa rin ang nasa isip mo! Napilitan lang 'yun dahil naroon kayo." Lalo akong humalakhak sa sinabi ng Mommy niya.
BINABASA MO ANG
The Arrival [COMPLETED]
Gizem / GerilimMasaya. Walang problema sa samahan. Iba man ang kulay, paniniwala at ugali pa yan. Walang problema sa kanila yan. Pero lahat ng ito ay nagbago. Simula ng mapadpad sila sa lugar na ito. Isang buong section na may magandang samahan ang makakatuklas ng...