Chapter 24

208 2 0
                                    

Chapter 24

---

Ilang hakbang bago ako makarating ng kwarto namin ni Yvan ay napatigil ako.

Magsasama kami sa isang kwarto.

Bakit ba hindi agad 'yon pumasok sa isip ko?!

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto sa tabi ng kwarto namin, kung saan natutulog noon si Yvan.

"Sandra.." Tawag sa akin ng Daddy nya na ngayon ay nasa harapan ko na.

"Pa.. Ahm.." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko!

"Si Yvan?"

"Ah-eh, nasa loob na po." Turo ko sa pinto ng kwarto namin. Tumango lang naman siya.

"Sige, ija. Pumasok ka na. Kukuha lang akong tubig sa baba. Good night." Tinapik nya lang ako sa balikat bago tumalikod.

"Good night din po." Mahinang sabi ko na hindi ko alam kung narinig nya pa.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko na syang pababa ng hagdan.

Bumaling na ako sa pinto ng kwarto namin na nagdadalawang isip kung kakatok ba ako o bubuksan ko na lang agad.

Matapos ang pakikipagtalo ko sa sarili ko, kumatok rin ako. Binuksan naman iyon ni Yvan na sinalubong ako ng nakakunot nyang noo.

"Bakit ka pa kumakatok?"

Lahat ng mga naisip kong dahilan kanina kung bakit pa ako dapat kumatok ay biglang naglaho na lang lahat. Bakit nga ba ako kumatok pa?

"Ba-baka kasi.." Para akong natuyuan sa hindi ko malamang dahilan at hindi ko madugtungan ang kung ano mang sasabihin ko.

Hindi na ako hinayaang matapos pa ni Yvan at tumalikod na sya papunta sa kama.

He's wearing his blue boxers. Oh, Sandra! Really? Kulay pa talaga ng boxers nya ang napansin mo?!

Mabilis akong umiling para maalis sa isipan ko ang kung ano mang naiisip ko.

Naramdaman nya siguro na nakatingin ako sa kanya at ni hindi man lang ako gumalaw sa kinatatayuan ko kaya bumaling uli sya sa akin bago umupo sa gilid ng kama.

Pinasadahan nya muna ng tingin ang katawan niya bago nagsalita.

"Sorry. Hindi kasi ako sanay matulog ng may damit eh. Boxers lang ang soot ko kapag natutulog ako."

Hindi ko alam kung tatango ako o iiling bilang sagot sa kanya kaya ang nagyari ay parang nakuryente lang ako sa naging galwa ng ulo ko.

"Hindi. Okay lang. 'Wag mo akong alalahanin, matutulog na lang ako bukas maghapon kapag hindi ako nakatulog ngayon." Ngumiti ako sa kanya bago ko sya talikuran. Kumuha lang ako ng mga damit na pang-tulog at nagpunta na ng cr.

Nang mailock ko ang pinto huminga ako ng malalim at tiningnan ang sarili ko sa salamin.

Come on, Sandra! Don't act like a virgin!

Well, I am..

Pumikit ako at tumingala.

'Wag kang umarte na parang may mangyayari sa inyo dahil alam mo sa sarili mong imposible 'yon. Magkasama lang kayo sa kwarto ngayon dahil nasa kabilang kwarto ang mga magulang nya. Kung hindi lang? Baka wala pa 'yan sa bahay nyo ngayon.

Tama.

Itinali ko na ang buhok ko para hindi na mabasa pa. Mabuti at walang arte ang pagkakagupit ng buhok ko at walang nalalaglag kapag inipit ko sya ng ganito.

Loving Someone Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon