Chapter 47

117 0 0
                                    

Chapter 47

Hindi ganoon kaimportante sa FA ang project na yon pero sobrang mahalaga yon para sa La Vista.

Bukod kasi sa kinuha nilang kliyente mula sa amin ay hindi na ganoon kalalaki ang mga kliyente nila. They almost had another one. But they lost it.

Kaya heto si Michelle at nagwawala sa lobby ng FA building.

Inanunsyo na kasi kung sino ang nanalo sa bidding noong isang araw. And, its us, FA Corporation.

"Send her out. Ipadala niyo sa Syria, sa North pole, o sa Jupiter kaya?!" Sigaw ni Krissy sa kausap sa telepono na nagsasabing may nagwawala raw sa baba.

Tumatawa na lang ako.

"Bakla, ayaw daw tumahimik."

Kinuha ko ang cellphone ko at ako na mismo ang tumawag ng pulis.

Ngumiti naman sa akin si Krissy.

"Pabayaan niyo na pala siyang magsisisigaw diyan." Saka niya ibinaba ang telepono at pumalakpak. "Magaling na bruha. Paano mong naisip yon?"

Alas sais na ng gabi ng matapos namin ni Krissy ang mga trabaho namin at sabay na sana kaming uuwi. Kaya lang, bago pa man ako makasakay ng kotse ko ay
may tumawag na sa akin.

"Sandra!"

And yes. Sino pa bang tumatawag sa akin ng ganyan? Its Yvan.

"What are you doing here?"

"Galing akong police station." Yun palang ang sinabi niya pero alam ko na kung saan pupunta ang usapan namin na to.

"Sinamahan mo sana siya doon?"

Dinig ko ang pagpipigil ng tawa ni Krissy na nasa kabilang side na ng kotse.

"Come on, Sandra. Hindi mo naman dapat siya kailangang ipakulong. She was just upset."

"Upset?!"

"Yes! Because of the deal!"

At pinagtataasan niya pa ako ng boses?

"Look, Yvan. Are you aware that you are not in the position to say that?" Mahinahong tanong ko.

"No, Sandra. Listen to me. That was too much. Nagalit lang siya dahil doon sa deal. Hindi niya sinasadya yon. If you just saw her kanina sa kulungan, Sandra. She's not used to that.."

Natawa ako hindi dahil sa tuwa kung hindi dahil sa napipikon na ko.

"At sa akin mo pa talaga sinasabi 'yan? Should I care? You actually think that I would? Nagalit lang siya dahil sa deal kaya siya nagwala ng ganon? Tanga ka ba? Alam nating pareho na hindi lang yon ang dahilan niya. Kung ikaw ba, natalo ka sa bidding, susugurin mo ang nanalo at magwawala ka? Of course not!"

Hindi ko alam pero naghalo na rin siguro ang inis at ang pagod ko sa maghapon kaya hindi ko na naiwasang makipagsagutan sa kanya.

"But that deal was important to her!"

"Malamang! Importante yon sa lahat ng nagattend nung bidding na yon!"

"No, it was not that important to you."

And, what the hell does he mean?

"You have no idea, Yvan."

"What? You have a lot of clients, Sandra!"

"Stop!" Hindi ko na mapigilan ang sumigaw na. "Ano pa nga naman ang aasahan ko sayo Yvan, lagi ka namang walang alam sa paligid mo! Sarili mo lang ang iniisip mo!" Natahimik siya. Kinalma ko muna ang sarili ko dahil sa pagsigaw bago muling magsalita. Mapapalayo kami at mauungkat ang hindi dapat maungkat kapag hindi ako kumalma. "And, Yvan, just to remind you, wala ka ng karapatang pakialaman ako. Ni wala kang karapatang magbigay ng opinyon mo sa lahat ng ginagawa ko. Hindi ko nga alam kung saan ka kumukuha ng lakas ng loob para magpakita pa sa harapan ko, eh! Balikan mo na lang siya bukas sa kulungan. Makakalabas din siya bukas dahil hindi ako nagfile ng kaso."

Loving Someone Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon