Chapter 22

152 2 0
                                    

Chapter 22

-

Nang mahimasmasan ako ay agad kong kinuha ang cellphone ko at ni-dial ang number ni Yvan. Nag-ring lang iyon at malamang ay maiinis 'to sa akin, pero kailangan lang talaga. Matapos ang pang-apat na ring ay sinagot niya rin ito.

"What? I'm busy. Kakadating ko pa lang sa opisina at napakarami kong ginagawa." Bakas ang pagkairita ng boses niya ng sagutin niya ang tawag ko.

"Pasensya na, Yvan. Ano kasi, eh.. Sina Tita.. I mean sina mommy at daddy mo. Pupunta daw sila mamaya at dito muna matutulog." Hindi pa rin ako mapakali habang naka-upo dito sa sofa.

"What? Bakit daw?!" Pasigaw na sabi niya sa kabilang linya.

"Aalis daw kasi sila ng maaga bukas."

"Argh! I'll be there after lunch." Pagkasabi niya no'n ay ibinaba niya na at hindi na ako hinayaang makasagot. Gusto ko pa naman sanang sabihin na dito na lang siya maglunch.

Hindi pwedeng makita ng mommy ni Yvan na hindi kami magkasama sa iisang kwarto at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami maayos na nagsasama ng anak nila. Magagalit kasi sila kay Yvan kapag nagkataon.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at kumilos na. Kailan ko pang maglinis ng bahay. Naramdaman ko na rin ulit ang pagkulo ng tiyan ko.

Hindi pa nga pala ako kumakain. Lecheng babae kasi, eh. Ang cheap! Talagang sa bahay pa talaga, ah?! Pwede namang maghotel na lang sila. Tss.

Kumain muna ako ng niluto kong almusal kanina.

Pagkatapos ay nilinis ko na ang pinagkainan namin ni Yvan at ilan pang kalat sa kusina.

Kailangang makita nila Mommy Vianca at Tito Carlos na maayos kami ni Yvan.

Pero paano? Aish!!!!

Pagkatapos ko sa kusina ay sa kwarto ko naman. Uunahin ko na sana 'yung sa kabilang kwarto kaya lang ay 'wag na muna. Kailangan ko munang paghandaan kung ano man ang makikita ko doon. Baka 'yung panty nung haliparot naiwan nya doon.

Inumpisahan ko muna sa mga damit ko sa closet. Mga damit ko lang ang nandito, dapat ay sa aming dalawa ni Yvan.

Itinulak ko lahat ng damit ko na naka-hanger sa kaliwang side para magkaroon pa ng espasyo sa kabilang side. Inalis ko pa sa pagkakahanger ang iba kong damit para mas marami pang space. Itinupi ko na lang iyong iba at inilagay na lang sa isa pang cabinet.

Ang dami ko namang damit! Dapat yata ay ipamigay ko na lang 'yung iba na hindi ko na naisosoot.

Nang maiayos ko na ang mga damit ko ay kama naman ang inasikaso ko. Pinalitan ko lang ng isang kulay beige na takip ng kama ganon din ang sa mga unan at ang kumot. Hindi naman sa marumi, pero kulay pink kasi ang nakalagay at may mga print pang cartoon characters na pangbabae kaya mukha talagang babae lang ang gumagamit ng kama.

Hindi ko na kailangan pang ayusin ang ilang mga dekorasyon sa kwarto dahil naka-display naman ang mga pictures namin noong kasal ni Yvan dito.

Pagkatapos kong maayos at malinis ang kwarto ko, nagpahinga lang ako saglit at nagipon ng lakas ng loob para sa gagawin ko.

Huminga muna ako ng malalim bago ako mgtype ng message sa cellphone ko.

Yvan, kailangan kong ayusin ang mga gamit natin. Aayusin ko na ang mga gamit mo, ha?

Pumikit pa ako ng pindutin ko ang send.

Alam naman siguro niya na kailangan naming gawin 'yon kaya malamang ay papayag naman siya.

Ilang minuto ang lumipas at nagreply na rin sya.

Ito ang unang pagkakataon na nakapalitan ko ng text si Yvan!

Loving Someone Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon