Chapter 56

193 3 8
                                    

Chapter 56

Pinaupo ako ni Jude sa may sofa at nagpunta naman siya sa kusina.

Bumalik siya na may dala ng isang basong tubig.

"Drink."

Bakas parin ang luha sa mga mata ko pero tila mas kinakabahan ako ngayon kaysa kanina.

Sinunod ko siya at uminom ng tubig.

Lumuhod siya sa harapan ko. Napasandal ako sa inuupuan ko sa ginawa niya. Nakakunot ang noo niya at salubong ang kilay nang tingalain niya ako. Nang hindi ako kumibo ay yumuko siya ulit at inabot ang paa ko. Inalis niya ang sapatos ko.

Napangiwi pa ako ng maramdaman ang hapdi roon.

Sa kakatakbo ko kanina ay ilang beses akong natapilok pero hindi ko yon ininda at tumuloy lang sa pagtakbo. Sa soot kong stilleto ay talagang nagsuffer ang mga paa ko.

Narinig ko naman siyang nagmura nang dungawin niya ang likuran ng paa ko. Aalisin ko sana yon sa pagkakawak niya pero pinigilan niya ako.

"Still, Alessandra." Pagkatapos ay inalis niya na rin ang isa pang sapatos ko. Ibinaba niya saglit ang mga paa ko at tumayo. Kumuha siya ng isang pares ng tsinelas.

Kung dati ito nangyari ay kanina pa ako nagrereklamo at kanina pa kami nagaasaran ni Jude. Siguro ay dahil sa naging away namin, ganito ang naging epekto sa relasyon namin.

"Go to my room, shower up." Tiningala ko siya habang pinagmamasdan niya akong salubong parin ang kilay. "Fix yourself first, saka tayo maguusap."

Tumango lang ako at maingat na naglakad papunta sa kwarto niya.

Kabisado ko ang condo ni Jude dahil palagi ako dito. Isa lang ang kwarto dito, at yon ang kwarto niya. Hindi ito kalakihan at hindi rin naman maliit. Hindi naman kasi niya kailangan ng malaking espasyo. Malapit lang naman din kasi ang bahay nila. Ang alam ko ay binili niya lang ito dahil mas malapit sa airport.

Nagbabad ako sa bathtub matapos kong magshower. Tulala lang ako at iniisip ang mga nangyari ngayong araw.

I feel like, I lost my dad. We lost our father and the husband of my mom. That man is completely a different person. Kapag nakatingin siya sa akin at kinakausap ako ay parang wala siyang pakialam kung masasaktan niya ba ako. Bukod doon ay kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. I hurt her daughter, I get it, okay. But, hey, I was hurt too. I have every right to hurt her back, right? Okay, thats not right, but, thats a normal reaction of a human, di ba? Tao lang ako, nasaktan. Sino bang tao ang sinampal na hindi kikibo pagkatapos?! Wala di ba?

"Alessandra!" Sabay kalabog sa pintuan ng banyo ang nagpabangon sa akin. "You're not trying to fucking end your life, are you?! You're in there for almost two hours now!" Sigaw niya.

Dalawang oras? I didn't know. Walang orasan dito sa banyo.

"Alessandra!"

"Jude, I'm fine. Lalabas na ako!" Sigaw ko pabalik.

"Five minutes! Kapag hindi ka lumabas papasok na ko! Hihintayin kita dito."

Nagbanlaw na ako ng katawan. Saka ako napasapo sa noo ko.

Damn. Wala akong damit.

Ibinalot ko muna ng towel ang buhok ko at sinuot ang robe na nakatupi sa may cabinet.

"Shit!" Bulong ko sarili at muntik na akong pumasok ulit sa banyo.

Naabutan kong nakaupo si Jude sa may dulo ng kama niya. Nasa tuhod niya ang dalawang siko at pinagsisiklop ang mga daliri niya. Tiningnan niya ako.

Loving Someone Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon