Chapter 27
---
Anim na buwan na kaming nagsasama ni Yvan. Eksaktong anim na buwan ngayong araw. 'Yan ang agad kong naisip pagdilat pa lang ng mga mata ko.
Ang nakakalungkot lang ay wala siya sa bahay ngayon. Hindi siya umuwi kagabi.
Hindi ako kaagad bumangon dahil alam ko namang wala akong ipagluluto ngayong umaga.
Alas siete ng umaga ng marinig ko ang pagbukas ng gate namin. Ibig sabihin ay nandyan na si Yvan.
Nagmadali akong bumangon para salubungin siya.
Sa may sala ko na sya nadatnan. Wala ng necktie sa leeg niya. Hawak niya na lang rin ang coat niya na suot nya kahapon.
"Yvan, kumain ka na ba?" Tanong ko habang patuloy parin siya sa paglalakad at nilampasan lang ako.
Naamoy ko agad ang alak sa kanya ng lagpasan niya ako.
"Magsha-shower lang ako at aalis na. Papasok pa ako sa kumpanya nyo." Hindi na ako sumagot sa kanya dahil sa narinig kong tila panunumbat mula sa kanya.
Ganito lang kami sa mga nakalipas na mga buwan. Hindi na sya nagdala ng mga babae dito sa bahay pero hindi rin sya umuuwi dito madalas dahil may kasama siyang babae sa hotel. Alam ko 'yon. Hanggang ngayon kasi ay may nagpapadala parin sa akin ng mga larawan. 'yung dalawang babae pa rin noon ang mga nakakasama niya sa nga litrato. Ewan ko kung sinong nagpapadala ng mga 'yon at kung anong motibo niya pero salamat sa kanya dahil kahit papaano ay nakakaramdam pa pala ako ng sakit sa tuwing nakikita kong may kahalikang iba si Yvan, akala ko ay manhid na ako.
"Yvan--" Tawag ko sa kanya ng makita ko na syang pababa ng hagdan.
"Tigilan mo muna ako at masakit ang ulo ko." Pagputol niya sa sasabihin ko.
Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan na siyang makalabas ng bahay.
Ginawa ko na lang ang lagi kong ginagawa sa bahay. Naglinis lang ako ng buong bahay.
Gumraduate ako ng cum laude noong college tapos ngayon ay naglilinis lang ako ng napakalaking bahay na 'to. Ang saya, no?
Kakatapos ko lang maglinis at nakaupo na ako sa kama nang may magdoorbell.
Sino na naman kaya 'to?
Bumangon na ako para mapagbuksan na kung sino man 'tong nagiingay sa labas.
"Baklaaaa!" Tili ni Krissy habang palapit palang ako sa may gate namin.
"Anong problema nyo at nandito kayong dalawa?!" Tanong ko sa kanilang dalawa ni Rafa habang pinagbubuksan sila ng gate.
"Bakla! Guess what!?" Si Krissy na may kasamang hampas.
"Ano? Tigilan mo nga ako sa mga ganyan! Wala ba kayong mga pasok, huh?"
Binatukan niya naman ako.
"Aray! Baka nakakalimutan mong nandito ka sa bahay ko?!"
"'Wag ka nga muna kasing maginarte!"
"Ano ba kasi 'yang sinasabi mo?"
"Dumating na sya baklaaaa!"
Kumunot ang noo ko sa naging sigaw niya. Si Rafa naman ay nagtakip na tenga sa naging sigaw ng kasama niya.
"Teh, kanina pa ganyan 'yan, kung alam mo lang." Si Rafa.
"Sino ba kasi 'yang sinasabi mong dumating na?"
Umupo na ako sa may sofa namin. Hindi ko na sila inalok na umupo dahil feel at home naman dito yang dalawang baklang 'yan.
"Si papa Juuude!!!" Tili niya ulit.
BINABASA MO ANG
Loving Someone Like You
Ficción GeneralMaraming may ayaw sa 'arranged marriage'. Well, sino ba namang may gusto na matali sa taong hindi nya naman mahal habang buhay, hindi ba? Pero para sa isang babaeng kagaya ni Sandra na nangangarap rin naman na magkaroon ng sariling pamilya in the fu...