Chapter 34

164 3 0
                                    

Chapter 34

---

Si Kuya pa rin ang naiwan sa ospital ng sumunod na araw. Ako naman ay maagang umalis ng bahay matapos kong mag-agahan para makapasok sa opisina.

"Good Morning, Ma'am." Bati sa akin ng mga nakakasalubong ko pagkababa ko pa lang ng kotseng ginamit ko.

Hindi ako bumati pabalik dahil abala ako sa pagmamasid ng paligid ko.

Lahat ng mga taong ito, kasama na ang mga pamilya nila ay nakasalalay ang mga buhay sa akin ngayon. That responsibility na ngayon pa lang pumasok sa isipan ko.

Hanggang sa makasakay ako ng elevator ay 'yon ang laman ng isipan ko.

Nang makapasok ako sa opisina ay sumunod sa akin si Bryan na syang secretary dati ni Dad at ni Yvan.

"Excuse me, Ms..." Hindi nya matuloy-tuloy sa sinasabi nya dahil nagaalangan siya kaya nagsalita na ako.

"Villarosa. Alessandra Villarosa. What is it, Bryan?"

"Ms. Villarosa, may mga kailangan pa po kayong pirmahan at ireview na mga papeles.."

"Okay. Ilagay mo na lang lahat sa table ko." Tumango siya.

Bago ko buksan ang kahit na anong folder na nasa mesa ko na ngayon ay naalala k sina Krissy. Ako ay nagtatrabaho na ngayon samantalang ang dalawang 'yon ay nawalan ng trabaho ng dahil sa akin.

Naisipan kong tawagan si Krissy.

"Hey." Bati ko.

"Aba, may pa-heyhey ka ng nalalaman ngayon ah? Kumusta ang pagiging presidente?" Saka siya tumawa.

"Huwag kang tumawa diyan. Idadamay ko kayo sa nangyayari sa akin ngayon. Pumunta kayo dito sa opisina ko ni Rafa."

"Bakla.." Agad ko nang pinutol ang sasabihin nya dahil alam ko na kung anong maaring kasunnod non.

"No buts. Pupunta kayo dito ng kusa o ipapakaladkad ko pa kayo? Choose."

"Bruha ka talaga! Kung hindi ko lang alam na kaya mo talagang gawin 'yon hindi ako papayag eh."

"Dali. Pumunta kayo dito." Pagkasabi ko non ay agad ko ng binaba ang tawag.

Sinimulan ko ng buklatin ang mga papeles na nasa harap ko. Basa.. Tawag kay Bryan.. Pirma.. Ganon ang ginawa ko sa loob ng ilang oras na nakaupo ako dito sa loob ng opisina.

Naisipan ko munang magpahinga at icheck ang cellphone ko.

Doon ko naalala sina Krissy dahil sa ilang missed calls at text na nanggaling sa kanila. Nakasilent pala ang cellphone ko.

Mabilis kong ni-dial ang number ni Krissy.

"Bakla!!! Ayaw kaming papasukin dito! Sasabunutan ko na 'tong babaeng nasa front desk!" Gigil na gigil na sabi nya.

Narinig ko si Rafa sa background na mukhang kinuha ang cellphone kay Krissy.

"Leche 'to! Mga mandurugas daw kami?! Sasakalin ko na 'to! Mukha ba kaming manggagancho?!" Galit na galit na sabi ni Rafa.

Sa lahat ng ayaw ng dalawang 'to ay ang iniinsulto sila. Kaya kung hindi pa ako bababa ngayon ay baka mabawasan ang mga nasa front desk.

Tumayo ako sa inuupuan ko at lumabas ng opisina.

Naabutan ko sa may lounge sina Krissy na masama ang tingin sa mga nasa front desk. May mga nakabantay rin na mga guard sa kanila.

Seryoso? Bakit nila binabastos ang mga kaibigan ko?!

Loving Someone Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon