Chapter 6

223 3 0
                                    

Chapter 6

---

Muntik ko ng maibuga sa mukha nya ang lahat ng laman ng bibig ko.

Inabot ko 'yung float ko at uminom muna ng malunok ko muna ang kinakain ko.

"Anong sabi mo?!"

"I'm asking you to be my date at the ball."

"Naka-drugs ka ba?"

Baliw yata 'tong lalaking 'to.

"I'm not. I'm serious. I want you to be my date."

"Your crazy.." Inarapan ko sya at napainom ulit ako.

"Bakit naman?" Kumunot 'yung noo nya.

"Tss. 'Wag mo nga akong pagtripan.." Saktaong pagkasabi ko no'n ay syang paglabas naman nila tita at Krissy doon sa room.

"Okay na ba, Ssy?" Tumayo na ako at sinalubong sya.

"Oo. Okay na lahat."

Humarap ako kay tita.

"Thank you po tita, ha? About the full payment po, i'll just send it on your account.."

"Okay, Sandra. No problem. May sasakyan ba kayong dala? Or ipapadeliver nyo na lang?"

"Padeliver na lang sana sa school bukas, tita. Pwede ba?"

"Oo naman!"

"Thank you po, tita! Sige po. Mauna na po kami."

Ililigpit ko na sana 'yung pinagkainan namin kaya lang pinigilan na ako ni tita.

"Ano ka ba! Hayaan mo na 'yan jan at ipapaligpit ko na lang."

"He-he. Osige po. Alis na po kami."

Hinatid nila kami hanggang sa may pintuan ng boutique.

"Bye, tita." Bumeso ako kay tita.

"Bye po." Gano'n din ang ginawa ni Kris.

"Ingat kayo, ha?" Sabi ni Tita.

"Hey. I'm serious about what I said a while ago. I'll make you say yes."

Nagpalipat-lipat ang tingin ni tita at ni Krissy sa aming dalawa ni Jude. Awkward.

Umiwas na lang ako ng tingin.

"Thank you po ulit tita."

Tapos ay tumalikod na ako.

"Hoy! Hoy! Bakla! Ano 'yun, ha? Ano 'yung sinasabi nya?!" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Kris pagkapasok namin ng kotse.

"Wala.. Kuya, daan tayong drive thru bago natin itapon 'tong si Krissy, ha?" Ngumit muna si Mang Juls tapos ay tumango.

"Anong wala ka d'yan?! Inakit mo?! Ginamitan mo ng katawan 'no?! Huhuhu! Alam mong hindi ko kayang ibagay sakanya 'yun kaya--" Ang arte! May paiyak-iyak pa kunwari. Bintukan ko nga.

"Aray! Nakakailan ka na, ah!"

"Eh, ang arte mo! Ang kapal ng mukha mo, ah! Ginamitan ng katawan ka dyan? Kung pababain kaya kita ng sasakyan ngayon, ha?!"

"Ito naman, para binibiro lang, eh."

Inirapan ko na. Tumahimik naman na sya.

Dumaan muna kami sa drive thru. Pagkatapos ay hinatid na namin si Kris sa kanila. Hindi na ako bumaba dahil gabi na rin.

Pagdating ko ng bahay ay sinalubong agad ako ni mommy sa may pintuan pa lang.

"Sandra! Bakit ngayon ka lang? Naku kang bata ka!" Bumeso muna ako sa kanya.

Loving Someone Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon