Chapter 18
---
Gumising ako isang araw na medyo late na. Agad akong bumangon at naghilamos. Pagkatapos ay dumiretso na ako ng kusina.
Ang kaso lang ay pagkababa ko pa lang ng hagdan ay narinig ko na ang kotse ni Yvan na paalis na.
Napabuga na lang ako ng hangin.
Nagkada-dapa-dapa pa naman ako. Kung hindi sana ako naghilamos baka naabutan ko siguro sya. Tss. Ang bagal ko kasing kumilos, eh!
Tumuloy na ako sa kusina. Nakita ko pa ang tasa na ginamit malamang ni Yvan. Nagkape lang sya.
Nakakainis! Bakit ba late ako nagising?
Ah! Alam ko na!
Pagdadalhan ko na lang sya ng pagkain sa office.
Naghanda lang ako ng pagkain para sa kanya pagkatapos ay nag-ayos na para umalis.
Diretso lang akong naglakad papunta sa may front desk ng makarating ako sa FA Building dahil hindi na ako sinita ng mga gwardya. Malamang ay alam na rin nila.
"Miss, kay Mr. Martinez." Sabi ko sa mga nasa front desk.
Sila rin 'yung mga babae noong isang araw.
"Ma'am? Ah-eh. Okay lang po. Diretso na po kayo sa office ni Sir." Sabi nung isa sa kanila.
Ito 'yung ayaw ko 'eh. Nakikipagplastikan sila sa akin dahil alam nilang anak ako ng may-ari ng kumpanya at asawa ako ng president.
"Nasa office ba sya? Wala ba s'yang meeting?"
"W-Wala po s'yang meeting ngayon. Nasa office lang po sya n'yan." Halos putol-putol na sabi nung isa.
"Gano'n ba? Osige. Ahm.. Nga pala. 'Wag kayong mag-alala, hindi ko naman kayo ipapatanggal sa trabaho." Sabi ko at ngumiti. "Sige, salamat!"
Nung una ang taray-taray nila tapos ngayong nalaman nila kung sino ako kulang na lang ipaglatag nila ako ng red carpet sa dadaanan ko. Tss.
Sumakay na ako ng elevator pagkatapos.
"Si Yvan? Nasa loob ba?" Tanong ko sa secretary ni Yvan ng makarating ako sa opisina nya.
"Ma'am, Sandra?" Gulat na gulat sya ng magangat siya ng tingin sa akin at napatayo pa.
Kumunot ang noo ko sa naging reaksyon nya.
Hindi ko na sya hinintay makasagot at pumasok na ako sa.opisina ni Yvan.
Nakakailang hakbang palang ako ng makapasok ako sa loob ay napatigil ako. May narinig akong boses ng babae.
May parang hallway pa kasi bago tuluyang makita ang kabuuan ng opisina nya.
Pagliko ko ay nakita ko si Yvan na nasa swivel chair nya. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko ang babae na nasa sofa lang. Dapat nga ba akong matuwa na nandoon lang sya?
"Sandra?" Nabalik ang tingin ko kay Yvan ng tinawag nya ako.
Itinago ko sa likuran ko ang dala kong paper bag ng makita kong may kinakain na sya sa table nya.
"What are you doing here?" Tanong ulit ni Yvan.
"Ah-eh." Ano ba! Sandra, mag-isip ka!
Ah!
"Ano?" Ulit nya.
"M-May pinapirmahan lang si D-Dad sa akin sa may finance. K-Kaya pagkatapos ko doon ay nagpunta muna ako dito."
Kumunot ang noo nya sa sagot ko. Bakit ba kasi hindi ako makapagsalita ng diretso kapag nagsisinungaling ako?!
"S-Sino sya?" Sa wakas ay natanong ko rin.
BINABASA MO ANG
Loving Someone Like You
Narrativa generaleMaraming may ayaw sa 'arranged marriage'. Well, sino ba namang may gusto na matali sa taong hindi nya naman mahal habang buhay, hindi ba? Pero para sa isang babaeng kagaya ni Sandra na nangangarap rin naman na magkaroon ng sariling pamilya in the fu...