Entry One
Nyel's POV
"Kyaaaaaaa! Ang gwapo ni # 18!"
(~_~メ) Sinipa ko yung bola at buti naman pumasok.
"Quizon, ang gwapo-gwapo mo!"
(~_~メ) Alam ko yan. Hindi mo na kailangan pang ipagsigawan. Don't state the obvious.
"Nathanyel Quizon! Marry me!"
(~_~メ) Bigyan mo muna ako ng doughnut na star at may filling na saging. At dapat may middle name ng kanunu-nunuan ko. Kapag wala, kay Jason ka na lang magpakasal. Kelangan nun ng tali para hindi na mag walang-hiya.
"Nyel, bola!" Rinig kong sigaw ng ka-team kong si Kiel.
"O, anong gagawin ko sa bola." Kakasipa ko lang di'ba.  ̄ˍ ̄
"Ayan na!"
Kinuha ko yung bola at pinrotektahan at saka ito ipinasa sa ka-team ko.
"Eto na! Tatatatatatan!" Ewan ko ba kung bakit nakikisali etong si Jason. Parang tanga talaga eh.
"Oy time-out!" Sigaw ni Coach Lee kaya napatigil sa pagtakbo-takbo si Jason.
"Naman! Malapit nako sa goal eh!" \(>_<~)/
<(`^')> "Velasco! Bat ka nandyan?! Kelan ka pa naging varsity?!" Sigaw ni Coach, palapit na kay Jason. Hay. Ang ingay.
Pinunasan ko yung noo ko gamit ang likod ng kamay ko. Ang init.
"Nyel, eto ang towel o!"
Kilala ko ang boses na yun.
Napalingon ako sa nag-sabi nun.
"Hera." Nilapitan ko sya habang may ngiti na namumuo sa aking labi.
Ang aking pinakama-mahal na si Hera Santos. "Nagpa-pawis ayaw mong magdala ng towel? O, gamitin mo.":))
"Salamat." Sabi ko sa kanya, kinukuha yung towel sa kamay nya at sinadyang hawakan ang kamay nya.
Nagulat sya dun kaya agad binatawan yung towel. "S-sige ha? Napadaan lang ako. Alam ko kasing wala ka na namang dalang towel. U-uuna na ako. Bukas na lang ulit." Pinat nya yung balikat ko at saka umalis.
Hayyyy. Ang tanga ko talaga.
"Sungit talaga!"  ̄︿ ̄ Lumapit sa akin si Jason at nagpalit ng expression sa mukha. "Narinig mo na ba ang ginawa ni Vince?" ↖(^▽^)↗
(~_~メ) "Wala naman yung ginagawang importante."
"Nagtapat na sya kay CJ!"
Ah.
Yung babaeng ipinakilala ni Jason sa akin nung isang, isang, isang araw.
Akalain mo yun?
Lambanog ba ang ininom ni Kupido nung nag-match up sya? Walang matinong tao ang pagsasamahin sila. Kahit nga sa panaginip ko, di sila magkasundo. Weird.
Isa pa. Akalain mong sya pala si Frostbite? <(ˍ ˍ*)> Taena, nahiya ang balat ko. Ang dami kong sinabing kagaguhan. Ni hindi ko nga yun naintindihan tapos bigla akong babanat ng ganun?
Abaaa. Damn it. Nakakahiya talaga.
"Taga-buhat nga ako dun! Akalain mo? Nagustuhan ni CJ si Vince and vice versa? Hahaha! Love moves in myterious ways! Kakanta ako sa kasal nila!" ↖(^▽^)↗
"Sabog ka ba? Di pa nga tayo na-graduate, kasal agad?" (~_~メ)
"Haha! Ako gusto ko na magpakasal. At magkaroon ng madaming, madaming anak! Apat na dosena!" (*¯︶¯*)
