Entry Ten
Nyel's POV
"Hail mary, full of grace the Lord is with you. Blessed are you among women and blessed is the fruit of thy womb, Jesus."
t(~_~メ)t Ang ingay-ingay naman. Inayos ko ang inuunan ko saka niyapos ying Chooey Choco.
"Holy Mary, Mother of God. Pray for us sinners. Now and at the hour of our death, Amen."
•﹏• Napa-balikwas ako sa pagkaka-higa.
Grrrrrr!
"Hail mary, full of grace the Lord is with you." (^_^)v
Kainaman!
Napaka-sama talaga ni Ate Lea!
Diba natutulog ako sa may upuan?
Aba, tirikan ba naman ako ng kandila at dasalan?! Napaka-sama talaga! (~_~メ)
Tumayo ako at nilagay yung Chooey Choco sa bag. "Multuhin ka sana!"
Wala na si Tita Sally nung nagising ako. Baka umalis na. Mainit kasi dito. Tawa naman ng tawa ang walangya kong kapatid. "Hahaha, Nyel! Kung nakita mo lang reaksyon ng ibang tao! Hahaha! XD"
Tsk. Iniwan ko syang tumatawa. Aba, mainit kaya! Dala ko naman yung back pack ko. Bibili muna ako ng pampalamig ng pakiramdam.
Ka-init naman kase! T**gna lang! Binabanas ako!
Iintayin ko talaga yung law na palagyan ng Aircon ang buong Pilipinas.
Mas mabagal pa sa pagla-lakad ko ang bill na yan! San na ba napupunta ang fund ng gobyerno?
At nasan ang yaman ng mga drug lord? Bat di sila bumili ng aircon para di ako pawisan? Bat di sila bumili ng tiles at carpet para sa laakaran ko? Bat di nila ako ipag-ukit ng kutsara out ot pure diamond?
Napaka-walang kwenta ng pera nila kung hindi ako ang pagkaka-gastusan nila. =____=
"Kamusta ka na? Alam mo, mahal na mahal pa rin kita."
Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko yun.
Babae ang boses. Boses na naba-balot ng lungkot. Di ko alam kung bakit pero sobra akong nakaramdam ng awa sa kanya.
Para kasing nararamdaman ko rin yan.
Naawa rin ako sa sarili ko.
Bakit ba hindi ko pa sya magawang kalimutan?
"Sana talaga di mo na lang ako iniwan. Sana magkasama pa tayo."
Nasaktan ako. Para kasing ganan ang gusto kong sabihin kay Hera ngayon.
"Bakit ba kasi kailangan mo pa mang-iwan. Hinahanap-hanap talaga kita araw-araw. Miss na miss na kita."
May naramdaman akong sakit habang naririnig ko yung mga sinabi nya.
Bumalik na naman yung sakit.
Walang-katapusang sakit.
"Minsan nga nabubuhay na lang ako sa paniniwalang babalik ka pa."
Babalik ka pa naman diba? Hera?
Mahal mo pa ako diba?
Hindi mo mahal si Peter diba?
Wala akong narinig na sagot pero alam kong hindi totoo ang mga pinaniniwalaan ko.
Wala na si Hera.
Wala na kami.
At wala na akong magagawa para maibalik yon.
Nag-lakad na ako habang may iba pang sinasabi yung babae.

BINABASA MO ANG
YOUR LOVE
Roman d'amourWALASS COLLECTION: #4 GOAL: MAKE NYEL (WHOEVER HE IS) LAUGH.