ENTRY EIGHT
NYEL'S POV
"Nyeeel! Kelan ulit kayo matutulog dito? Movie-marathon na lang tapos tulog tayo sa sala!" ↖(^ω^)↗ Yan ang bati sa akin ni Ate Lea.
Tiningnan ko lang sya habang itinotono ang gitara ko.
Hindi ko rin sya maintindihan pa minsan. Sadya ba talaga etong manyak? Dinaig pa ang sarili nyang kapatid. Mas marami pa ata tong alam kesa sa akin! "Ate Lea, pedo ka."
O_o7 "Pedo?"
"Pedophile. Three years ang tanda mo sa amin. Tapos kung makapang-manyak ka, daig mo pa rapist. Bulgaran ka mag-assume." (~_~メ)
"Nyel, naman! Ikaw lang ang kapatid ko. Dapat naiintindihan mo ang ate mo! Tsaka hindi ko naman sila hahalayin! Gagapangin ko lang at iki-kiss." ^w^
"Hindi ka ba nahihiya sa inaasal mo? Nagkaka-babae ka, ganan ka? Wala kang kahinhinan sa katawan."o
"Mahinhin? Nasan yun sa vocabulary ko? Ang mga mahinhin, niloloko at sinasaktan at pinagla-laruan! Ang mga palaban, sinasamba!" ↖(^ω^)↗
Inilapag ko ang gitara at hinarap sya. "Nang dahil sa isang lalaki, nagkaka-ganyan ka?"
"H-ha?" Bakas sa mukha nya ang pagka-gulat.
"Akala mo maloloko mo ko? Ikaw lang ang tanga sa bahay na to."
"Nyel, ang bibig mo ha!"
"Bakit? Matatawag mo ba akong tanga? Dalawa lang tayo dito. Walang magulang na makaka-saway sa atin. Pero hindi ka pinalaki para umikot sa sarili mong paniniwala na maganda ang mundo at pwede mo gawin lahat ng gusto mo. Gumising ka bago ka pa mabangungot. Matagal ka ng nakapikit."
Lumabas ako ng kwarto at nag-bike sa labas ng bahay, paikut-ikot lang sa Subdivision.
Alam ko kung ano ang kwento ni Ate.
Hindi ko man yan ginagalang, nire-respeto ko sya.
[A/n: Hindi ko to gagawan ng story. Echeng lang. :)]
Niloko raw sya ng dati nyang boyfriend na si Myx. Matagal rin sila, one year. Until, nakita ni Ate Lea si Myx na may ka-check in sa hotel at mula sa labas ay narinig nya ang mga gingawa nito.
Isang buwang patay ang ate ko. Hindi yan lumalabas at swerte sya dahil Summer nun. Hindi sya kumakain 3 times a day at madalang nya ako kausapin.
Hindi na rin sya sumasama sa akin mag-simba.
Madalas na nasa kwarto nya lang sya.
Until one day, umuwi syang lasing. May kasama rin syang lalaki at dahil hindi ako papayag na may bumastos sa ate ko, pinalabas ko ang kasama nya. Hindi nya ako kina-usap pero iniwan ko sya na may salita.
"Buksan mo ang mata mo. Walang taong kayang tumakbo ng naka-pikit."
Pero hindi sya tumino. Nagpapa-hatid pa rin sya at madalas kong nakikita na hina-halikan na sya nito. Minsan ay naba-bastos na sya pero sinasampal ito ni ate at kinubukasan ay iba na ang kasama nya. Paulit-ulit.
Nabalitaan ko na lang na kinausap sya ni Myx. Nawala ang mga lalaki st ang mga bote ng alak.
Pero ayan si Ate. Maharot pa rin. Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa kanila ni Myx. Pero sana sumaya na ang ate ko.
Nakita kong mayroon akong makaka-salubong.
At nagulat ako sa naka-salubong ko.
Naka-hood na black at skinny jeans sya. May relo rin sya at may itinapat sya sa akin.