BONUS - NYEL (The Effort King)
Nyel's POV
"Bye, Nyelly! Ingat sa training!"
(~_~メ) "Ilang beses ko ba kelangan sabihin sa'yong-"
Mwah! "Love you!"
Napahawak ako sa pisngi ko habang pinapanood si C3 maglakad paalis, gamit yung Happy Tree Friends nyang payong dahil umuulan.
Dalwang buwan na rin simula ng nagkamali ako at nainlove sa kanya pero hindi pa rin nababago yung gulat ko kapag nangyayari ang mga ganito. Hindi naman ako touchy e! Nag-aaway pa nga kami ni Ate Lea kapag kikiss sya sa akin sa Peace Be With You. Si C3? Bigla ka na lang nyang mamanyakin ng walang paalam. Anytime, anywhere.
Napabuntung-hininga ako. Bakit ba manyak ang girlfriend ko? Palagi na lang akong nachachansingan! Hindi naman ako makatanggi dahil magagalit sya. Oo, pramis! Mag-tatampo sya at sasabihing..
"Edi kung ayaw mo, maghahanap na lang ako ng Nyelly ko!"
Aish, bago ko pa nga mahanap ang katinuan ko at amining mahal (ehem!) ko na sya, aalis naman sya? No way.
Umupo ako katabi ni Seb at Annika habang iniintay si Coach dahil may sasabihin daw sya. Ah ewan ko dun. Abnormal paminsan.
Matagal-tagal na rin akong nakaupo at palowbat na ang cellphone ko sa katitingin kung anong oras na. Isang oras na kaming naghihintay. Antagal naman nun.
"Nasan na ba si Coach?" Matamlay na tanong ni Gerry.
"May date pa ako!" Sabi naman ni Johnny.
"Tambak ang assignments koo!" Sigaw naman ni Cass.
Lahat napatingin sa akin. "Hindi ko alam, Damn it!" Sigaw ko dahil ayoko ng sinisisi. Lahat naman sila ay umiwas ng tingin. Kakabanas mga to ah.
"Umipod ka nga ng konte," sabi ko kay Annika dahil nasisikipan ako. Binabanas rin.
"Wala na akong iipuran," sabi nya ng matipid habang nagtetext. Si Fern ata ang katext nya.
"Meron pa yan!" Sabi ko at siniksik sya para mas lumuwag kaso sumobra ata at nalaglag si Finn sa upuan. "Shet, sorry Finn."
"Pwede nyo naman sabihing umalis na lang ee!" TT O TT Sabi nito at dahan-dahang tumayo saka lumipat ng upuan.
Sinamaan ako ng tingin ni Annika. "Ikaw kasi!"
"Anong ako? Ikaw kaya ang katabi ni Finn." Sabi ko at umupo na ng ayos dahil boss ako.
"Ah, ewan ko sa'yo!" Sigaw nya at lumipat rin ng upuan sa tabi ni Aubrey at Garrett.
"Pare, aalis muna ako ha?" Nanginginig na sabi ni Seb at tumayo para mag-CR. Akala yata ay sisiksikin ko din sya para malaglag.
(*¯ ︶ ¯*) Who's the winner?
Binatak ko ang binti ako at itinaas sa upuan. Iba talaga ang buhay captain. Kaya pala sabi ni Kuya Bimbo, dapat daw maging captain ako at sundan ang mga yapak nya.
"Quizon!"
>A< Shoot! Muntik na akong malaglag nang sumigaw yung si Coach malapit sa tenga ko. Tae, kaya ko pa rin naman sya marinig kong ibubulong nya, diba?! "Ano?!"
