Entry Five
Crissa's Point Of View
"Nyel!" Tinawag ni Jason si Nyel, nilapitan para tapikin sya sa balikat.
Napansin kong nagpunas si Nyel ng mukha.
Umiiyak sya?
Nalungkot tuloy ako. Iniyakan din kaya ako ni Ron?
"Nyel, ayos ka lang?"
Alam nyo kung hindi masyadong awkward ang moment, babatukan ko yan! Kita nang umiiyak, tatanungin pa kung ayos lang? Shunga!
Biglang tumayo si Nyel. Muntik na nga mauntog sa kanya si Jason eh. Kung hindi lang yun nakaiwas, bukol yun!
"Tambayan! Ngayon!"
O_o Eh? 'Paano ako?' Tanong ko kay Jason. Naiwan na ako panigurado ng Service nu! At nangako na si Jason na ihahatid nya ko!
"T-teka ihahatid ko pa si Kirsa." Nauutal na sabi ni Jason. Siguro natatakot kay Nyel.
Pero tuluy-tuloy sa pagla-lakad si Nyel habang sumagot sya. "Isama mo na yan. Ako pa mismo ang magha-hatid dyan."
O_o7 "A-ako?" Niyugyug ko si Jason. "Huy, baka bugbugin ako nun ha!"
"Hindi ah! Mabait si Nyel. Nasasaktan lang sya ngayon." Paliwanag ni Jason habang sinusundan ng tingin si Nyel na pumasok na sa locker room. "Mahal na mahal kasi nyan si Hera."
Mahal na mahal. Nakaka-inggit naman ang pagma-mahal ni Nyel.
"Tara! Sasabihan pa natin ang barkada!"
*-*-*
Dahil nga sabi ni Nyel ay isama na ako, isinaksak din nila ako sa kotse ni Vince kasama ni Jason, Nyel, Vince at Meico. Sina Fern, Gerard, Rico at Jason sa kotse nila Gerard. Ako at si Vince sa unahan. Si Nyel at Meico naman sa likod.
Lahat sila hindi umiimik.
Natatakot ako magsalita.
Natatakot naman ako sa katahimikan!
Dumating kami malapit sa kanto na sinasakyan ko ng jeep pauwi. "Dyan sa tabi, Vince."
"Sure."
"Di'ba sabi ko isama na yan? Bat nyo pauuwiin? Kita nyong past six na?" Sabi naman ni Nyel.
"Pare, chill." Sabi ni Meico.
Natakot ako sa boses ni Nyel; puno ng galit. Para ngang makaka-patay sya sa ganang boses.
"Ehm, magpapatunog ako ha?" Sabi ni Vince at since walang tumunog, pinundot nya yung naka-kabit na iPod.
*the dawn is breaking*
Tumutunog ngayon yung 'Collide' ng Howie Day.
Hindi naman naimik si Nyel.
Hindi rin naimik si Vince or si Meico.
Hindi na rin ako umimik.
*our light shining through
You're barely awakened
And I'm tangled up in you*
Hayyy. Nasaan kaya si Ron ngayon?
Naiisip nya rin kaya ako?
Iniyakan nya kaya ako?
"Ilipat mo nga yan!" Narinig ko na lang sigaw ni Nyel kaya naman natataranta si Vince sa pagne-next. Mukhang lahat kami, takot kay Nyel ah!
Lumipat ang kanta sa 'Ang Huling El Bimbo' ng Eraserheads.
Favorite!
Di ko na napigilan kumanta. Favourite eh!
![](https://img.wattpad.com/cover/2580883-288-k191644.jpg)