Entry Two

136 8 1
                                    

Entry Two

Crissa's Point of View

↖(^ω^)↗ Yey! Meron nang pinublish na Son of Neptune! Weeeeeee!

Dahil nga kakikita ko pa lang nito kahapon, hiniram ko na agad sya sa library. Buti at meron!

Naglalakad ako ngayon pababa habang nagba-basa. Bumili na rin ako ng makakain para enjoy mag-basa. Mamaya ko na yan pakikinabangan. Hindi makapaghi-hintay ang excitement kong matapos to! ^O^

Nagla-lakad na ako papunta ng service. Wee hee hee! Ansaya ko talaga.

Bigla na lang bumagsak ang ulan at medyo naambunan ang book!

╯﹏╰ Kawawa naman ang book ko.

"SHET! T@&|NANG ULAN! LECHE! PUN¥€T@!"

t(>o<)t Nagtaklob ako ng tenga dahil baaaaaaad ang mga sinasabi nya!

Tiningnan ko ang pinagmumulan ng boses na yun at nakita kong may isang lalaking nasa shed ng Soccer field at pilit pinupulot yung mga nalaglag nyang gamit sa ulanan.

Mukhang wala syang payong ah.

Hmm. May service naman ako. Kinuha ko yung payong ko at iniwan sa may railing. Kawawa naman sya eh.

Tumakbo ako sa service. Oh well. Sana makita nya yung payong. Mabasa pa sya ng ulan.

Umalis na yung service kaya nagsimula na akong magbasa.

^O^ Oo na. Alam kong masama magbasa habang umaandar ang sasakyan. Gaya ng sinabi ko, it can't wait. XD

*Take it easy, baby.

We can make it right.

Girl, you know my love is always

on your side.*

Narinig kong tumunog ang cellphone ko. At hindi ko pa makita kung nasaan ito.

*Rest your eyes tonight

You know that my love

You know that my love

Is on your side*

Ah, shunga. Nasa bulsa ko nga pala. XD

Uy, may nagtext!

From: Unknown Number

Hi, babydoll. Ü

Isang tao lang ang tumatawag ng ganan sa akin.

Isang taong matagal ko ng dapat kalimutan.

isang taong hindi ko kayang lagpasan.

Isang taong pilit ipinagsi-sigawan ng puso ko.

Si Ron de los Reyes.

Ang aking First Boyfriend.

Bakit ba nangu-ngulit sya?!

Nyemas naman o!

♡ = Si Ron? Kamusta na kaya sya?

♥= Wala syang kwenta!

Bali hati ngayon ang nararamdaman ko dahil dalawa ang sinasabi ng puso ko. Sinasabi ng malinis kong puso at maruming puso.

O baka konsensya to. •﹏•)7 Ah ewan ko!

Basta ang alam ko, hindi ko sya kayang kausap, katext, kachat, katawagan, ka-IM, ka-email, kasulatan, ka-ligawan, karelasyon, kapitbahay, kababayan, ka-probinsya, ka-bansa, ka-lahi, ka-continent o ka-planet! Dapat sa kanya, sinisipa palabas ng Milky Way at gawing alila nila Kokey! >o<

YOUR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon