Storm
Linggo na ngayon at nagtataka ako kung bakit pagkababa ko papunta sa kusina eh walang tao. Usually kase, ganitong oras, kahit maaga pa, eh abala na sina Manang Minyang.
I even tried calling some of them.
“La? Yaya?” tawag ko sa isang mahinahon na tono
Walang sumagot.
“Hello? Yaya? Manang?” gusto ko na naman kaseng tumulong sa pagluluto
“They’re not here.” Si Diego ang sumagot
Napalingon ako sa kanya at nakitang kabababa lang nya mula sa hagdanan at tinungo nya agad ang kusina.
Nagulat ako nang bigla syang lumapit sakin, akala ko kung ano na ang gagawin nya nang kinuha nya ang pitsel na nasa likuran ko at kumuha rin ng baso para uminom. Napalunok tuloy ako sa kahihiyan, panay pa naman ang atras ko. I thought... shocks, that was embarrassing!
Well, hindi naman kase masyadong nakakakaba yung bango nya sa umaga eh, tsaka yung buhok nyang wala sa ayos pero ang sexy tignan, samahan mo pa ng simpleng damit pero hinuhulma ang kanyang braso at binti. Hindi, hindi talaga nakakataranta yun. Like...
“Where are they, then?” tanong ko pagkatapos nyang uminom
“It’s their day off today.”sagot nya, titig na titig sakin
Nagbibigay pala siya ng day off? He let his househelpers rest? May puso rin naman pala kahit papaano.
“Ah?”naiintimidate ko na namang anas “What do you want me to cook? I mean,”
“Do you know how to cook?” tunog insulto iyon sa aking tenga lalo pa at nagbabadya ang ngisi sa kanyang labi
Keaga aga gusto ata nya ng away. But anyways, hindi ko sya pagbibigyan. I don't want to give him a fight so early in the morning.
“Ofcourse I know how, I just don’t know if you’ll like it.” Sagot ko
Tuluyan siyang ngumisi at tumango. “Cook whatever you want. I’ll just go upstairs.” Aniya sabay alis
Omelet ang lulutuin ko para sa breakfast namin ni Diego ngayon. I collected all the ingredients at hinugasan ang ilang dapat hugasan.
I can’t imagine my day without all the househelpers. Feeling ko palpak lahat ng gagawin ko. Pero for sure aalis rin naman yang si Diego eh kaya siguro okay lang?
I was busy chopping potatos when my eyes caught something that almost gave me a heart attack! I was shocked when Diego entered the kitchen, topless. Tagaktak ang tubig mula sa kanyang buhok patungo sa kanyang dibdib.
Holy sh t, daig pa niya ang mga artista talaga eh! He has freaking 6 pack sparkling abs! Nakakainis, hindi naman ganito yung reaksyon ko eh, dapat pa nga sanay na ako dahil sa trabaho ko, marami naman akong nakikitang lalaking halos maghubad.
Pero kase, si Diego to. Naiistar-struck talaga ako sa lalaking ‘to, hindi ko tuloy mawari kung sinong artista saming dalawa eh. Para akong timang na nagfafangirl sa isang suplado!
“Amanda!” galit nyang sigaw
Hala siya, nagalit ata na tinitigan ko. What did I do? Why does he seem angry? Nagmamadali siyang naglakad patungo sa direksyon na ikinagulat ko ng husto.
“Your fingers, dammit!” sigaw nya malapit sakin saka hinaklit ang kamay ko
Dun ko lang narealize na imbes ang patatas ang hiwain ay ang daliri ko na pala ang nahiwa ko sa kashungahan. How stupid of me to cut my own fingers and not feeling any pain! Mygod!
BINABASA MO ANG
Just As The Sunset (Albuera Series #1)
Short StoryShe is a well-known actress. She knows how to act, and to fake her emotions, even her civil status. Who would have thought that she is already married to a man she hasn't even met? Who would have thought that Amanda Lopez is already a Larrazabal? Sh...