Cheater
It is indeed true that time flies fast when we're happy. Everyday that I am with Diego feels like I am in heaven. And every single day, I try my best to make him feel how much I love him.
Ipinagluluto ko siya sa umaga pati narin sa gabi. Inaayos ko naman ang kwarto kapag wala siya. Sometimes, I paint. Ang dami ko na ngang nagawang painting eh, Diego even framed all of them and placed it in our room.
Before, si Kaizz lang ata ang nakakaalam ng obsession ko sa pagpipinta, ngayon pati narin si Diego. Ang sarap pala sa pakiramdam na pinupuri ka ng taong mahal mo, it feels heavenly. Gusto ko na tuloy araw-arawin, pero siyempre may iba rin naman akong dapat na inaatupag. Tulad ngayon, binibisita ko ang mga barnhouse at tumutulong ako sa pagpapakain ng mga hayop.
Hindi pa nga pala namin pinapaalam sa mga magulang namin ang tungkol sa plano naming magpakasal ulit, maybe we'll just schedule a dinner with all of them nalang.
"Amanda!"
Napaigtad ako sa tili ni Kaizz. Nilingon ko siya at nakita siya sa di kalayuan.
Ano na naman kayang ginagawa ng baklang to dito?
I sighed and took off the gloves and googles that I'm wearing, ibinigay ko iyon kina kuya. Pinagpag ko ang kamay ko at lumapit na kay Kaizz.
"Don't you dare touch me you bitch, amoy hayop ka siszxt!!" eksaherada nyang pigil sakin
"Mabuti nang amoy hayop kesa mukhang hayop." supalpal ko
Madrama naman nyang sinapo ang dibdib, umaarteng nasasaktan.
"How dare you say--?"
"Wag ka ngang maarte! Nag gloves naman ako tsaka mabango pa naman ako ah? Kung ayaw mo edi umuwi ka nalang at magpapakain pa ako ng kapwa mo!"
"Okay fine, pero maghugas ka muna ng kamay." naka cross arms nyang utos
Ang arte talaga.
"Oo na,"
Bumalik kami sa mansion at naghugas ako dun ng kamay. I even fixed myself for my not so bitch friend slash assistant. Sa likod kami mag-uusap since gusto ko parating nakakalanghap ng preskong hangin.
We're now occupying a wooden round table na pinalagay ko kina Lala. Nagpahanda rin ako ng meryenda at nakakahiya naman sa buwisita ko.
"Oh? So ano nga? Bakit ka nga nandito?" tanong ko habang iniinom ang aking juice
Kumunot ang noo nya.
"Andito lang naman ako para ipaalala sayo na bukas na ang alis natin. Nagbook na ako ng ticket kaya wala nang atrasan."
Kamuntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko sa sinabi niya.
"What?!?"
"Yes madame Amanda, bukas na ang alis natin papunta sa Manila. Baka kase nakakalimutan mo na may premier night kayo bukas, ha?" pinandilatan nya ako
Nasapo ko ang noo ko. Oo nga pala. May dapat pala akong atupagin dun.
"Pero hindi pa ako nakakapagpaalam kay Diego," matigas kong sabi
Nagkibit balikat siya. "Kaya nga andito ako, I'll help you convince him. When you get to Manila, you'll be busy kaya dapat iinform mo talaga si Mayor. Hay naku, hanggang ngayon talaga hindi parin ako makapaniwala na ang pinakagwapong mayor ng Pinas ang asawa mo! Jusko ka sis, may hangover pa ako sa kalandian mo! Ang harot harot mo sis, biruin mo napaibig mo ang matagal ko nang crush? Nakakainis ka, lahat nalang talaga ng gusto ko napapasayo." madrama nyang saad habang nagpapout.
BINABASA MO ANG
Just As The Sunset (Albuera Series #1)
Short StoryShe is a well-known actress. She knows how to act, and to fake her emotions, even her civil status. Who would have thought that she is already married to a man she hasn't even met? Who would have thought that Amanda Lopez is already a Larrazabal? Sh...