7th

21.8K 604 262
                                    

Jealous

Nang mahimasmasan, ay tila napaso ako at nahiya sa aking nagawa. Kumalas ako sa yakap, dahan-dahan nya naman akong bintiwan.

“Are you okay?”malambing nyang tanong habang tinitignan ako ng maigi

Tumango ako at kinuha ang panyo na nasa sofa at pinunasan ang sariling luha.

What have I done?

“Pasensya na, takot kase ako sa kulog, at mag-isa ako dito kaya ganun ang approach ko.” paos kong sabi, hindi isinali ang rason na nag-alala ako sa kanya

Kinuha nya ang panyo mula sa kamay ko at iniharap nya ako sa kanya. He then gently wiped my eyes, making my tears almost fall again. Shocks, why is he like this? Ganito ba sya sa lahat ng babae dito sa syudad na nasasakupan nya?

Habang pinupunasan nya ang mata ko ay hindi ako makatingin ng diretso sa mata nyang nakakapaso.

“I’ll get you water,” offer nya at ambang aalis, agad ko namang hinawakan ang braso nya

“Hindi na Diego, kaya ko na. Ang mabuti pa, umakyat ka nalang muna sa kwarto mo at basang-basa ka.” Mahinahon ngunit paos ko paring sabi

Tumingin na naman sya sakin at unti-unting tumango. He went upstairs.

Tulala ako matapos uminom ng tubig. Walang nagbago sa sitwasyon sa labas, malakas parin ang hangin at ulan, ang nagbago lang ay ang damdamin kong kumalma na.

Hindi ako makapaniwalang nagpadala talaga ako sa damdamin ko kanina. Pilit kong isinasaksak sa utak kong dahil yun sa takot ako sa kidlat, pero hindi eh.

“You fine?” halos mapatalon ako sa biglaang pagdating ni Diego.

Nakaligo na siya at bihis na. He’s wearing blue v-neck shirt and his usual shorts. Magulo ang buhok nya at umaalingasaw ang bango nyang nakakaadik.

I smiled as an answer to his question. Tinignan naman nya ako na parang hindi naniniwala.

“Okay na talaga, promise.” I assured him

“Kumain ka na ba?”

Sa tanong nya, naalala kong hindi pa nga ako kumakain.

“Hindi pa, ikaw?”

“I’ll cook, hindi din ako kumain eh.” Nakangiti nyang sagot

“Tutulangan na kita, para mas madali.” Alok ko

Tumango siya sa sinabi ko.
“Amanda, do you have a hairtie?” bigla nyang tanong

Kumunot ang noo ko pero tumango rin. Inilahad nya ang kanyang kamay, tila hinihingi kaya ibinigay ko iyon sa kanya.

Nilapitan nya ako at pinatalikod, nagets ko naman ang gusto nyang gawin. Masuyo nyang sinuklay ang aking buhok gamit ang kanyang daliri at tinali ito. I could almost hear my own heartbeat while he was doing that. Why is he capable of making my system go crazy just by small gesture? Is that his special talent? I guess so.

Napagdesisyunan naming pareho na fried chicken ang lutuin para mas madali.

“Bagyo ba ‘to Diego?” tanong ko habang nagpiprito, siya naman ang nagcocoat ng manok

“Oo, hindi nga kami naabisuhan ng PAG-ASA eh kaya pati kami kanina sa city hall, nagulat.” Sagot nya

Gusto ko sanang itanong kung bakit ang tagal nyang umuwi kaso nakakahiya. Masyado nang malaki yung kahihiyang ginawa ko kanina, ayoko nang dagdagan pa.

“Uhm, I came home late because I rescued some of the stranded customers of a mall. Hindi kase sila makauwi dahil sa bagyo kaya sumama ako sa pagrescue.” nagulat ako nang magpaliwanag sya like he was obliged to explain and that he knew I was darn worried

Just As The Sunset (Albuera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon