12th

21.3K 513 48
                                    

Smitten

"Alis ka na?" tanong ko kay Diego habang nag-uunpack ng mga damit

Nakarating na kami sa bahay, we arrived here siguro, alas singko ng umaga. Wala nga kaming tulog pareho eh. Dumiretso kami sa kwarto nya dahil gusto nyang doon na ako matulog dahil para naman talaga daw iyon sa amin.

My husband is already in his usual outfit. Naka slacks na naman at white crisp button down shirt. His hair was already fixed and he smells so freaking good. The authoritative mayor in him, is back again.

He looked at me and then smiled.

"Yeah, what are you gonna do today? If you want, you can fix this room that suits your taste."

Napaisip ako sa sinabi niya.

"Really? Actually meron talaga akong gustong palitan. This room is too manly for my taste, so I'm planning on going to the city today to buy some stuffs there, is that okay?"

He bit his lip.

"Amanda, baka dumugin ka dun. Alam na ng mga tao dito ang identity mo at ang tungkol sa atin. I don't want you hurt." mapupungay ang mga mata nya habang sinasabi iyon

Napangiti ako. Binitawan ko muna ang mga damit, tumayo ako at lumapit sa kanya. I held his hands.

"Sige na Diego please, I'll be extra careful I promise. I'll disguise my self nalang." pangungumbinse ko

Bumuntonghininga siya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Fine. Text me, okay?"

Tumango ako.

"Thank you," inabot ko ang batok nya at hinalikan siya

Ngumisi ako nang matigilan siya. It was a quick kiss.

"You're so naughty," nakataas ang kilay nya nang sabihin iyon

"Anyways, mali-late ka Mayor, you should go now."

"Give me my goodbye kiss, then."
Ngumuso siya.

"Tapos na, yun na yun." pang-aasar ko

Kumunot ang noo nya at hinila ako.
He nodded and gave me a torrid kiss. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya ngunit natawa nalang nang matapos.

"That's how you should give me your goodbye kiss, okay?" siya naman ngayon ang nakangisi

Umirap ako.

PAGKAALIS ni Diego ay saka ko inilista lahat ng gusto kong bilhin for the room and also of course for my hidden motive.

Bumaba ako para batiin sina Manang. Yeah, they were back. Gusto ko sana silang batiin ng maayos kanina, kaso nahihiya ako dahil nakakaintimidate ang mga titig nila habang hawak hawak ni Diego ang kamay ko.

Nang mamataan ako nilang pababa ng hagdan ay agad nila akong binigyan ng malalapad na ngiti.Most of them were all in the living area, at base sa narinig ko, they were all talking about the typhoon. Nahinto lang nang bumaba ako.

"Ma'am, naku, bakit po parang mas gumanda kayo magmula nung wala kami rito?" puna ni Darla

"Oo nga, si sir nga rin eh. Mas lalong gumwapo, lalo na kanina na panay ang ngiti habang hawak hawak ang kamay nyo ma'am! Alam ko na, nakapaglabing-labing kayo nang wala kami ma'am no? Sus, kaya pala!"

Natawa ako sa kanila.

"Wala. Mabuti at andito na kayo, kamusta?" nilihis ko ang usapan

"Mabuti naman po kami ma'am. Nakakatakot nga yung bagyo ma'am eh, sobrang lakas kaya ng hangin, nung bumagyo ma'am, kamusta kayo ni ser?" tanong ni Chinzen

Just As The Sunset (Albuera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon