15th

22.3K 599 198
                                    

Freedom

Amoy ko ang kemikal pagkagising ko. Malabo parin ang aking paningin pero unti-unti na itong lumilinaw. When my vision was clear, I was finally able to recognize where I was.

Nasa hospital ako at mayroong dextrose na nakakabit sa akin.

"Amanda! Buti gising ka na," salubong ni Kaizz

He's now standing infront of me. Looking so worried, as usual.

"Bakit ako nandito?" nanghihina kong tanong

"Ah eh kase nahimatay ka kanina sa condo kaya dinala kita dito." paliwanag nya

Tumango ako.

"Tara, balik na tayo sa condo. Marami pa akong aasikasuhin eh, pagod lang siguro to."

"Oh ayan napala si doctor,"

Pumasok ang isang babaeng doktor at nginitian ako. I smiled weakly to her.

"Hi Miss Lopez, how are you feeling?" tanong nya

"I feel heavy," mahina kong sagot

Seriously, what is wrong with me? Physically? Kapag ba unwell yung mentality mo, automatic pati physicality damay din?

"That is very normal Miss Amanda, nasa first trimester ka palang kaya makakaranas ka talaga ng pagbigat ng katawan, makakaranas ka rin ng pagsusuka at pagkahilo." nakangiti nyang paliwanag

Hindi ko siya maintindihan.

"Anong ibig mong sabihin doc?" nakakunot noo kong tanong

"Congratulations Miss Lopez, you are 2 weeks pregnant!" bumaling siya kay Kaizz "Oh you might be the father? Congrats--"

"No doc, no. Girl po ako doc," tanggi ni Kaizz na ikinatawa ni doktora

"Oh I see. Anyways, Miss Lopez, you can be discharged tomorrow since you're only experiencing the normal symptoms of pregnancy. I will come back here before you get discharged to give you further instructions regarding it. Rest well,"

Nang umalis si doktora ay saka palang unti-unting nagsisink-in sakin ang mga sinabi niya.

Did she just said, I am pregnant?

"Are you happy?" concerned na tanong sakin ni Kaizz

I smiled at him, weakly still.

"Of course. Nagbunga na ang pagmamahalan namin ni Diego and I take this one as one of my biggest blessings." nakangiti kong sagot

Hinaplos ko ang aking tiyan, kasabay ng pagtulo ng aking luha. I am now carrying a life inside my belly!

NAKATULOG ulit ako pagkatapos kong umiyak. Pagkagising, gulat na gulat ako nang sinalubong ako ng mapupungay na mata ni Diego.

He is now standing firm infront of me, his eyes are concern and his face screams worries. He's still in his usual clothes so I assume he went here straight from work.

"Love, are you okay? How are you feeling?" bungad nya habang lumapit pa ng todo sa kinaroroonan ko

Binigyan ko naman siya ng ngiti.

"I'm okay, bakit ka nga pala nandito? Aren't you working?" nakakunot noo kong tanong

His presence somehow calmed my system and made me even happier. Kaya lang, naalala ko yung nangyari.

"Your friend told me about your condition so I immediately flew here to check on you," paliwanag nya

Iginala ko ang aking paningin at wala akong nakitang bakas ni Kaizz dun. Baka pinauwi nya muna.

Just As The Sunset (Albuera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon