Delikado
Kinabukasan, pagkagising ko ay wala na si Diego. Nang bumaba naman ako para mag breakfast ay bahagya akong nagulat nang may naabutan akong nakahanda nang pagkain doon. May note pang nakadikit sa gilid.
'I went out early to supervise the distribution of relief goods, Amanda. Eat your breakfast, please don't starve yourself. -Diego'
Napangiti ako sulat nya, malinis at pulido iyon. Pantay-pantay lahat ng letra, dinaig pa ang handwriting naming mga babae ah. Even his penmanship looked.....handsome and clean just as he is. Oh what am I thinking again?
Habang kumakain ay napapaisip ako kung ano ang gagawin ko ngayon. Wala parin ang mga kasambahay kaya wala akong magawa. Maybe I could clean the house and visit the barns.
Gusto ko sanang sumama kay Diego kaso baka mahimbing pa ang tulog ko kanina kaya hindi na niya ako ginising.
Late na kami nakauwi kagabi dahil marami pang inasikaso sa munisipyo si Diego. Nalibang naman ako dahil tumulong ako sa pagrerepack ng relief goods habang nakikipagkuwentuhan sa mga tao.
Yesterday, I saw how Diego's people see him with so much admiration. Kinuwento nila sakin ang napakaraming nagawa ni Diego sa kanilang bayan at lubusan daw silang nagpapasalamat dito. Nabanggit rin nila sakin na nagulat daw sila nang ipakilala ako ni Diego bilang kanyang asawa, kaya daw pala ilag ito sa mga babae.
Marami pa silang kuwento sakin, at lahat ng yun ay kabaliktaran sa inaakala kong ugali ni Diego. It kinda amazes me how their words slowly changes my perception towards Diego.
Kasalukuyan parin akong kumakain nang may magdoorbell. Agad ko namang binuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang isang lalaking sa tantya ko ay nasa forties na.
"Good morning ma'am, may pinapakuha lang si ser," aniya
"Good morning, sige pasok ka."
"Anong pinapakuha niya, kuya?" tanong ko
"Ah, papel ho. Hindi ko rin po alam kung ano yun eh, sabi niya ho kase yung nasa envelope na brown daw na nakapatong sa table nya."
Umilaw naman agad ang bumbilya ng utak ko. Like duh, I'm really a fast thinker!
"Ako nalang po ang kukuha, kuya." nakangiti kong alok
"Naku nakakahiya ho ma'am. Kaso nahihiya din po akong pumasok sa kwarto ni ser ma'am eh, kung okay lang ho sa inyo--"
"Ay naku kuya, okay lang ano ka ba. Pero, saan nyo po ihahatid ang mga iyon?"
"Ihahatid ko ho dun sa barangay na kinaroroonan niya ngayon ma'am. Sa may Barangay Pinagsanghan ho ma'am." sagot nya
Perfect.
"Kuya, ganun ba? Pwede po ba akong sumama sa inyo? Wala po kase akong magawa dito sa bahay eh tsaka gusto ko rin pong makatulong kay Diego." pakiusap ko gamit ang nagpapabebeng tono
Nakita ko naman ang pag-aalinlangan sa mukha ni kuya.
"Ay naku ma'am baka ako pa po ang mapagalitan ni ser. Malayo ho iyon, tiyak na hindi kayo sanay sa mga lugar na ganun ma'am."
"Kuya, alam ko ho kung ano ang pinagsasabi ko. Gusto ko pong sumama sa inyo." may pinalidad sa tono kong saad
Napakamot si kuya sa kaniyang ulo. Tila ayaw akong sundin pero walang magawa.
"Sige po ma'am, kung yan po ang gusto niyo."
Napangiti ako sa sagot niya.
"Thank you kuya! Magbibihis ho ako ng mabilis, promise. Umupo po muna kayo, give me 20 minutes kuya." sabi ko sabay nagmamadaling umakyat nang may maalala "Ay kuya, wag nyo pong sabihin kay Diego please ! Sosorpresahin ko ho ang isang yun!" sigaw ko dahil nasa hagdanan na
BINABASA MO ANG
Just As The Sunset (Albuera Series #1)
Short StoryShe is a well-known actress. She knows how to act, and to fake her emotions, even her civil status. Who would have thought that she is already married to a man she hasn't even met? Who would have thought that Amanda Lopez is already a Larrazabal? Sh...