9th

21.6K 543 168
                                    

Beach

Mag-aalas nuwebe na kami nakauwi ni Diego ng bahay.

"Diego, kailan ang balik nina Manang?" tanong ko habang nagtatanggal kami ng sapatos

Hindi pa kami nakakapasok sa bahay, nasa may pinto pa lamang kami.

"I gave them a week to be with their families so they'll be back on April 8."

Malapit narin pala ang balik nila. Tumango ako kay Diego at pumasok na kasunod nya. This has been a very long day. Nakakapagod ang byahe ang paghike patungo doon pero napakasatisfying ng feeling na makatulong.

Inakyat namin ang hagdanan nang walang nagsasalita.

"Matulog ka na, paniguradong pagod ka." nilingon ako ni Diego nang nasa tapat na kami ng kwarto ko

Nginitian ko siya.

"Uhm Diego............., gusto ko lang sanang itanong kung nagawan mo na ba ng paraan yung annulment papers?" tanong ko sa kanya

Oo, nakalimutan ko na kase iyong itanong sa kanya kase syempre he's busy, every single day.

Nakita ko namang unti-unti siyang sumeryoso at tumuwid ng tayo. He inserted his hands on his pocket and then looked at me seriously.

"Yeah,"

Now, I'm gonna try my luck.

"Kung ganun, Diego, pwede ko na bang hindi tapusin ang tatlong buwan, tapos balik nalang ako dito after three months. Kase, kailangan ko ring magpromote ng upcoming movie namin. Kawawa naman yung ibang co-star ko."

Umigting ang panga nya sa sinabi ko at pagod nya akong tinignan.

"You mean, Jimuel?"he dangerously asked

Napalunok ako sa tanong nya. How did he know... Jim? I don't want to assume but... did he watched my movies with Jimuel? Or....

"Oo. Pati narin yung iba, syempre." paglilinaw ko

Tinignan nya ako, ngayon ng mas matalim.

"Gusto mong hindi tapusin ang tatlong buwan?"tanong nya gamit ang kalmado ngunit nakakatakot na tono

Tumango ako ng marahan.

"Propesyunal akong tao Amanda kaya hindi ko basta-basta binabali ang mga desisyon ko. Tiis-tiisin mo muna yang pagkamiss sa lalaki mo habang narito ka sa puder ko." matigas at malamig nyang saad tsaka ako tinalikuran at pumasok sa kwarto nya.

Parang nadaplisan ng kutsilyo ang puso ko. Nanghihina ang tuhod ko nang pinasok ko ang kwarto ko.Pati sa pagsi-skincare ay lutang ako.

'Tiis-tiisin mo muna yang pagkamiss sa lalaki mo habang narito ka sa puder ko'

Paulit-ulit iyong nagrereplay sa utak ko habang ako'y nakahiga.

Anong ibig nyang sabihin? Na nanlalaki ako? Ako pa talaga ang pinagbintangan gayong siya ata tong nambababae. Hindi ko naman narinig na tinutukso siya pero imposible namang wala silang naging something ng kanyang sekretarya.

Gusto ko siyang sumbatan kaso hindi ko rin naman siya masisi. Sa tuwing tinutukso kami ni Jimuel ay hindi ko masyadong dinedeny dahil iniisip ko ang career naming pareho at ang loveteam na umabot na ng limang taon. But swear to God, never akong nagkaroon ng relasyon kay Jimuel. Hindi lang dahil wala akong gusto sa kanya ng lampas pa sa pagiging kaibigan kundi dahil nirerespeto ko rin ang kasal namin ni Diego. I've never allowed myself to have a boyfriend unless annulled na kami.

Masaya naman na sana kami kanina eh, sinira ko lang talaga. Pero anong magagawa ko? Ginawa ko iyon para maalala naming dalawa kung bakit at hanggang saan lang dapat ito. Aaminin kong unti-unti ko nang nakakalimutan ang sadya ko dito. Masyado akong nalilibang. Nakakatawang isipin pero yun ang totoo.

Just As The Sunset (Albuera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon