Introduction

945 18 10
                                    

Simula

"Sa telepono, may tumatawag! Sa telepono sagutin natin!"

Inis na napakamot ako sa ulo nang marinig ang ringtone ko. Iritadong kinapa ko ang salamin sa bedside table at isinuot ito. Agad ko rin namang hinablot ang cellphone ko na kanina pa umiilaw.

Napatingin ako sa orasan. Hindi makapaniwalang napabuntong hininga bago tinitigan nang masama ang cellphone ko.

Sino naman ang matinong tatawag sa ganitong oras?! Alas dos pa lamang ng madaling araw! 'Nak ng tokwa naman.

Nag-aalangan kong pinindot ang accept button bago dahan-dahang inilapit ang cellphone sa tainga. Unregistered kasi 'yung number.

Anak ng tupa naman, oh. Ngayon pa ako pinanayuan ng balahibo. Kung kailan nasagot ko na 'yung tawag.

"Ahh... H... Hello?"

Pinakinggan ko ang anumang tunog o boses sa kabilang linya pero walang sumasagot.

Hindi naman siguro ako minumulto, 'di ba?

"He—"

"Magpapakamatay ako!"

Agad kong nabitawan ang cellphone ko sa narinig. Mabuti na lamang at sa kama nahulog ang cellphone ko. Mabilis kong pinulot muli ito at nakinig sa kabilang linya.

Boses ng babae. Hindi ako maaaring magkamali.

Ano na naman ba 'tong gulong pinasok ko? Sino ba kasi ito?

"Alam mo... siguro nagkakama"

"Kapag hindi ka pumunta dito... magpapakamatay ako!" sigaw nito.

Nataranta naman ako sa narinig kaya kahit nanginginig ang boses ko ay sinubukan ko pa ring magsalita at pigilan siya.

"Miss, huwag mong gagawin 'yan! Nababaliw ka na ba?!"

"Seryoso ako, Jerry. Magpapakamatay talaga ako kapag 'di ka pumunta!"

Jerry?! Hindi naman ako si Jerry, ah! Anak ka nga naman ng...

"Sandali! Nasaan ka ngayon, Miss? Tatawag ako sa emergency hotline! Papupuntahin ko sila diyan kaya sabihin mo sa akin kung saan ka nakatira."

Narinig ko ang sarkastikong pagtawa niya sa kabilang linya kaya napakunot tuloy ang noo ko.

"Huwag ka ngang painosente diyan! Alam mo kung saan ako nakatira!"

"Hindi ko nga alam! Kaya ko nga tinatanong, 'di ba?!"

Napasigaw tuloy ako sa pagkataranta. Mabilis akong bumaba mula sa kwarto at kinuha 'yung susi ng kotse ni Dad sa fish bowl ni Tulip, 'yung namatay kong alagang isda.

"Nakalimutan mo?" naiiyak na tanong niya sa kabilang linya

Napabuntong hininga ako at napakamot sa ulo.

"Oo, nakalimutan ko!" sagot ko para matapos na ang usapan.

"Sa Malcolm street sa tabi ng convenience store! Nakalimutan mo na agad?! Kakahatid mo lang sa akin dito n'ong isang araw, ah?! Ang sama mo! Kinalimutan mo agad! Papatayin kita este magpapakamatay talaga ako!"

Mabuti na lang at dalawang street lamang ang layo n'on mula dito.

Napailing na lang ako at nagmamadaling ini-start ang kotse ni Dad. Patay ako d'on kapag nalaman niyang ginamit ko na naman ang kotse niya nang hindi nagpapaalam.

Ayos na ring mapagalitan kaysa naman malaman ko na lang na nagpakamatay nga 'yung baliw na babaeng 'yun! Kargo de konsensya ko pa 'pag nagkataon. Haay, talaga naman. Ang malas ko!

"Huwag mong gagawin 'yan! Pupunta na ako kaya huminahon ka, Miss... pwede?!"

"At ikaw pa ang may ganang magalit?! Pagkatapos mong kalimutan 'yung address ko! I hate you, Jerry!"

"Sinabing hindi nga ako si— Hello? Hello?! Anak ng pating! Pinatayan pa ako!"

Inihagis ko ang cellphone sa backseat at nagmamadaling nagmaneho papunta sa street nila. Nang makita ko naman ang convenience store na 24 hours namang bukas ay bumaba na ako at pinatay ang makina ng kotse.

Patakbo kong tinungo ang bahay sa tabi nito. Sinipa ko ang gate nila na maswerteng hindi naman pala nakasara. Gan'on din ang pinto nito na hindi rin naman niya isinara.

Napahinto tuloy ako sa pagtakbo nang may napagtanto. Nasa kalagitnaan na ako papunta sa taas ng kwarto niya nang may maisip ako.

Bakit nakabukas 'yung gate nila? Pati 'yung pintuan? Inaasahan niya ba talagang may pipigil sa kanya?

Naningkit ang mata ko habang dahan-dahang umakyat sa hagdan. Maingat na hindi makalikha ng ingay.

Sumilip ako sa maliit na siwang sa pintuan at nakita ang isang hindi kapani-paniwalang bagay.

"Anak ng pugita naman oh..."

#

Love Me InsteadWhere stories live. Discover now