LMI# 7: THE PARTY

163 7 0
                                    

LOVE ME INSTEAD

Chapter 7: The Party

Grayson

"HINDI KA pa rin ba tapos?! Ano bang ginagawa mo?" naiinip na tanong ko habang nakatingala sa kisame ng kwarto ni Ben.

Busy ito sa pagsusulat at pagta-type sa laptop. Multi-tasking pa nga ang loko. Seryosong-seryoso pa ito na parang nakasalalay ang buhay niya sa kanyang ginagawa.

"'Wag ka nga magulo, Gray! Nadidistract ako sa ingay ng boses mo."

"Tapos na ang finals at malapit na ang graduation. Ano pa bang inaatupag mo?"

Naupo ako sa kama niya at kinuha ang gitara na nakasabit sa dingding malapit sa pwesto ko.

"Bagsak ako sa Stat—"

Hindi pa man din siya tapos sa pagsasalita ay humagalpak na ako sa tawa para asarin siya. Ano pa nga bang aasahan sa kanya? Malamang na babagsak siya doon dahil kung hindi uno ang score niya sa mga quiz, zero!

Swerte na nga lang niya at hindi siya ibabagsak ni Miss Damasco basta magpasa lang siya ng kung anomang requirements.

"Huwag ka nga tumawa! Bagsak ka rin kaya doon!"

Nabura ang ngiti ko at natigil ako sa pagtawa dahil doon. Siya naman ngayon ang tumawa nang malakas kaya naiinis na tumayo ako.

"Hoy, Ben 10 na alien! Hindi ako bagsak sa Stats! 77 ang grade ko d'on," naasar na paliwanag ko.

"Dapat nga bagsak ka rin, eh! Ta-tatlo lang naman lagi ang lamang ng scores mo sa akin sa mga quizzes. Ang unfair talaga ni Ma'am," reklamo niya.

"Hindi unfair iyon. Mas gwapo kasi ako sa'yo kaya hindi ako binagsak ni Ma'am." Kinuha ko ang susi ng kotse sa bulsa at inihagis iyon sa ere. "Pupunta ako sa party ni Enzo, sama ka?" tanong ko bago walang kahirap-hirap na nasalo ang susi gamit lamang ang kanang kamay.

Naiwan sa ere ang mga daliri ni Ben na dapat ay gagamitin niyang pangtype sa keyboard ng laptop niya. Nakatulala rin siya sa screen bago sandaling napahiga at humiyaw na parang bata. Napasabunot pa siya sa kanyang buhok habang nag-iinarte na parang bata.

"Isa kang malaking tukso, Gray! Lumayas ka sa harapan ko! Nagsisimula na nga ako magbagong buhay tapos yayayain mo akong pumunta sa party?!"

Nagkibit na lamang ako ng balikat at lumakad na palabas ng kwarto niya. Mag-isa na lang ako pupunta kung gan'on. Sayang din.

Nagulat ako nang bigla na lang siya sumulpot sa tabi ko, hawak-hawak ang laptop at mga gamit niya.

"Hindi mo ba alam na kanina pa sumasakit ang ulo ko sa kakaisip sa pesteng report na 'to?! Bakit ngayon mo lang ako niyaya?! Hindi mo ba alam na kanina ko pa gustong umalis?!" madramang saad niya habang inilalagay ang mga gamit niya sa ibabaw ng cabinet malapit sa pintuan. "Hintayin mo 'ko, bro. Magbibihis lang muna ako, pagkatapos alis na agad tayo." Nagbago ang tono ng boses niya at tila excited pa ito habang pumasok muli sa loob ng kwarto niya.

Love Me InsteadWhere stories live. Discover now