LMI# 35: THE PAST

65 3 0
                                    

Love Me Instead

Chapter 35: The Past

Grayson

"W... WHAT? ARE you serious?"

Napangiti ako nang makita ang reaksiyon niya. I told her we'll be meeting my parents tonight and she's obviously surprised.

Habang pinagmamasdan siyang kumanta sa harap ng maraming tao kanina, napaisip ako. Hindi na dapat ako magsayang ng oras lalo na at alam kong hindi rin naman siya magtatagal at aalis na rin siya papuntang ibang bansa.

I must seize the day while she's still here with me. I really don't have much time to waste.

I put on her seatbelt and watched her spacing out for a bit. I sighed and held her shoulders which somehow brought her back to her senses.

"Don't worry, I won't force you if you're not ready to meet them."

"N-No! O-Of course, I want to meet them! It's just that..." She took a deep breath and clasped her hands tight. "...I'm nervous."

"That's normal. But trust me, once you get to meet them, you'll see why I want to introduce you."

She slowly nodded her head as her hands loosen up.

Pinaandar ko ang kotse habang ang isang kamay ay nakahawak sa ibabaw ng kamay niya. Nakatingin lang siya sa labas habang pilit na pinapakalma ang sarili.

Was I too fast? Was it too much for her? I just want to let her know that I'm serious with her and I'm staying with marriage in mind. That's how much I love her.

Nang makarating kami sa bahay, tila gumana na rin ang kaba sa dibdib ko. Lalo na nang buksan ni Nanay Alma ang gate dahilan para humigpit ang hawak ni Red sa kamay ko.

"Good... Good evening po! I'm Iredessa Miller, i-it's nice to meet you po."

Mahina akong napatawa nang mapansin ang panginginig sa boses niya. I find it cute and sweet.

Nang mapatingin ako kay Nanay Alma, parang nalipat yata sa akin ang kaba ni Red dahil ito ang pinaka unang beses na may ipapakilala ako sa kanila. I haven't brought anyone even Elise, to my house and this is the first time Nanay Alma will take a good look at my girlfriend.

"Good evening, Nay. This is Red, my girlfriend."

"Girlfriend? Napakaganda naman ng girlfriend mo, Grayson, anak," natutuwang pahayag ni Nanay Alma habang magiliw na kinakamayan si Red.

"Siyempre, Nay. Sino pa bang aayaw sa mukhang 'to?" Lihim akong napangiwi nang maramdamang mas humigpit ang hawak ni Red sa kamay ko.

Nagbibiro lang naman ako, e.

"Oh, siya. Pumasok na kayo at naghihintay na sina mama mo sa hapag."

Isinara ko ang gate at sumunod na kay Nanay Alma matapos hawakan muli ang kamay ni Red. Medyo bumagal pa nga ang lakad niya kaya natagalan kami bago makarating sa front door. Nang tuluyang buksan ni Nanay Alma ang pintuan, agad akong sumilip sa sala at nakitang nanonood si Gelo ng TV sa Cartoon Network.

Nang lapitan ko siya ay agad siyang nagtatakbo para yakapin ang binti ko.

"Where's kuya Ben?" agad nitong tanong kaya naman ay tila dismayado akong napabuntong hininga na tinawanan ng katabi ko.

Love Me InsteadWhere stories live. Discover now